Ilang mommies nakarelate sa ibinahagi ni Iya Villania na funny dessert moment niya at ni baby Astro

Ilang mommies nakarelate sa ibinahagi ni Iya Villania na funny dessert moment niya at ni baby Astro

Ano ba ang kadalasan na ginagawa ng karamihan sa atin kapag magkasabay na nangyayari ang isang bagay na labis nating pinagkaka-interesan at isang bagay na parte sa ating responsibilidad?

Credit: @iyavillania Instagram

Marahil ay marami ang mamimili sa dalawa at may uunahin ngunit maaari rin naman na ipagsabay ang dalawa at ito ay kung keri ba talaga itong gawin nang magkasabay?

Kapag gustong-gusto, wala talagang makakapigil sa isinisigaw ng damdamin katulad na lamang ni Iya Villania na ipinagsabay ang kanyang Momshie duties at pagkain ng kanyang favorite na dessert!

Sa recent na update ni Iya Villania sa kanyang IG account, ibinahagi niya ang insidenteng nangyari sa pagitan nila ng kanyang bunsong anak na si baby Astro. Paano ba naman kasi, habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang Momshie duties ay tsaka pa lamang nakahanda sa kanilang lamesa ang paborito niyang dessert na mango panna cotta kaya talagang nagkaroon siya ng munting dilemma kung ano ang dapat gawin.

Imbes na magpakalunod sa pabalik-balik niyang tanong sa sarili kung dapat ba niyang ayawan muna ang favorite niyang dessert para tutukan si baby Astro, napagdesisyunan ni Momshie Iya na mag-multitask na lamang.

Credit: @iyavillania Instagram

Sa napakaraming taon niyang experience bilang isang working Momshie, hindi naman siya kailanman nagkulang sa kanyang duties bilang isang ina at responsibilidad niya sa kanyang trabaho kaya talagang confident si Iya na kering-keri niyang ipagsabay ang pagkain ng mango panna cotta habang karga-karga si baby Astro.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-eenjoy sa kinakaing dessert, hindi niya namalayan na may tumutulo na palang cream sa mukha ni baby Astro kaya makikita sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung gaano siya ka-guilty sa nangyari.

“That mama that thinks she can handle everything ,” sulat niya sa kanyang caption.

“Sorry bubba… mama gets really eager when it’s dessert time. I was so sure that spoonful would make it to my mouth “

Credit: @iyavillania Instagram

Dahil sa adorable na incident ni Momshie Iya at baby Astro, marami sa netizens at kapwa celebrities ang natuwa at nagpahayag ng kanilang nakakaaliw na mga komento sa mismong post.

“Motherhood is life but dessert is life-r ,” pahayag ni Camille Prats.

“Hahahahahahahah ang cute ,” komento ni Aiko Melendez.

Ayon naman sa kanyang kapwa Momshie na si Joy Sotto, sobrang nakaka-relate umano siya sa mishap na ibinahagi ni Iya.

Ysha Red

error: Content is protected !!