Ina Feleo, muling ipinamalas ang kanyang galing sa skating rink!

Marahil ay iilan lamang sa atin ang nakakaalam na bago makilala st sumikat bilang isang aktres si Ina Feleo, isa pala siya sa pride ng Pilipinas sa larangan ng figure skating! Bago pa man naging kabilang sa mundo ng showbiz, abala pala si Ina Feleo sa paghahasa ng kanyang galing sa pagske-skate ngunit hindi niya ito tuluyang na-pursue dahil mas pinili niyang mag-focus sa kanyang career bilang isang aktres.
Credit: @ina_feleo Instagram
Kahit na’y dalawang dekada naman na tumigil sa nakahiligang sports, nananatili naman ang kanyang interes sa larangang ito. Sa katunayan, kakabalik lamang siya sa skating rink at patuloy sa pagpapatunay na buhay na buhay pa rin ang kanyang skills at moves sa nasabing larangan.
Sulat ni Ina sa kanyang caption, “After 20 years of not skating, back to my first love Sobrang sakit sa paa, cramping galore, kalawang kalawang ang blades at pati ako But i missed this!”
Simula nang ibinahagi sa publiko na nagbabalik na siya sa kanyang “first love,” patuloy naman si Ina sa pagbibigay ng update at sa bawat video na ibinabahagi niya sa Instagram, talagang kapansin-pansin ang kanyang improvement at mas nagiging smooth din ang kanyang gliding, loop, at iba pang stunts.
Ngayong abala na sa pagske-skate, marami rin ang nagpakita ng suporta sa aktres kabilang na nga dito ang sikat na film director na si Laurice Gillen na nagbigay kay Ina ng bagong skates na kaagad naman niyang sinubukan.
“I got new skates Super pretty (but hard time breaking in with the blades) Salamat @lauriceguillen for supporting me and wanting to see me skate kahit pa spin yan o jump o gliding lang sa yelo,” pahayag ni Ina.
Sa pinakabagong video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, mapapansin na suot niya ang bagong skates at sobrang smooth na ginagawa ang isa sa mga pinakamahirap na stunts sa ice skating at ito ay ang pagspi-spin. Dahil sa ipinamalas niyang talento sa nasabing larangan, awtomatiko namang nagpahayag ng paghanga ang netizens. Iilan lamang sa kanilang mga komento ay:
“Galingggg ”
“parang ung asa top jewelry box hehehehe…. galing ang smooth !”
“Ang galing napakatalented naman po ”
“Amazing ”
20 taon man na tumigil sa ice skating, hindi naman maipagkakaila na hindi kumukupas ang kahusayan ni Ina Feleo. Sa katunayan, nakikitaan pa nga siya ng improvement dahilan kung bakit patuloy sa pagpapaulan ng positibong feedbacks ang netizens lalo na’t bibihira lamang para sa isang aktres na mahusay na nga sa pag-arte, may talento pa ito pagdating sa skating rink!