Ina Raymundo, nananatiling young-looking sa edad na 45!

Ina Raymundo, nananatiling young-looking sa edad na 45!

Talagang “shining and dashing” sa edad na 45 si Ina Raymundo!

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Kilala si Rina Marie Padilla Raymundo sa palayaw nito na “Ina”. Mula pa man noong siya’y pumasok sa industriya ng showbiz, isa na siya sa mga sikat at mahuhusay na aktres dahilan kung bakit patok na patok ang lahat ng mga proyektong pinagbibidahan niya. Maliban dito ay kapansin-pansin din ang beauty at karisma ni Ina.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Sa paglipas ng panahon at ngayon ay may pamilya na kasama ang asawa na si Brian Poturnak ay halos hindi makapaniwala ang fans ni Ina nang napansin ang walang kupas nitong kagandahan at kas3xy-han!

Sa katunayang may limang anak na ngayon si Ina ay nanatiling palaisipan para sa kanyang fans kung paano nagagawa ng “h0t momma” ang makipagsabayan sa mga dalaga ngayon.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Dahil dito, labis na na-curious ang fans ni Ina sa sikreto nito sa pananatiling “young-looking”. Bilang patunay sa kanyang “timeless beauty” ay makikita sa Instagram account ni Ina ang mga larawan niya noong dalaga pa lamang siya.

Enero ngayong taon nang nagbahagi si Ina ng lumang larawan kung saan ay makikitang naka-boycut ang buhok niya habang nakakagat sa daliri.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

“Throwback: #2000 My “mood” during my early 20s years😋😆 but thank goodness, I’ve matured & grown (especially my hair) so much and changed for the better,” sulat ni Ina sa kanyang caption.

Nagbahagi rin si Ina ng larawan kuha noong taong 1996 kung saan ay ginampanan niya ang karakter ni “Trina” sa “Abangan ang Susunod na Kabanata”.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

“One of the funniest sitcoms ever! Naalala nyo pa ba yun? 🙂” pag-alala ni Ina sa proyektong kinabilangan noon.

Nito namang Pebrero nang nagbahagi ang aktres ng “snaps” sa pelikulang pinagbidahan niya na “Bikini Watch”. Ayon kay Ina, 19 taong gulang siya nang ipinalabas ang pelikula, ang kasalukuyang edad ng kanyang panganay na si Erika.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Sa mga “throwback” na larawang ibinahagi ni Ina sa Instagram ay masasabi naman na hindi nagkakalayo ang itsura niya noon at ngayon. Hindi naman makapaniwala ang kanyang fans dahil halos walang pinagbago ang mukha at katawan ni Ina. Patuloy pa rin siyang gumaganda at sume-s3xy!

Ayon kay Ina, ang pagpo-post umano niya ng mga dating larawan ay dahil gusto niyang sariwain ang magagandang alaala noong panahon ng kanyang kabataan.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Wala mang ibinunyag na sikreto ang aktres sa pananatili niyang “young-looking” ay masasabi naman na isa sa mga sangkap ni Ina ay ang pagiging masaya sa piling ng asawa at mga anak, pagkakaroon ng positibong isipan, at pag-eehersisyo.

Ysha Red

error: Content is protected !!