Iñigo Pascual, natupad na ang matagal na pangarap na makabili ng farm para sa kanyang lolo

Iñigo Pascual, natupad na ang matagal na pangarap na makabili ng farm para sa kanyang lolo

Sa wakas ay natupad na rin ni Iñigo Pascual ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng farm!

Credit: @inigopascual Instagram

Bibihira lamang para sa 23 tatlong gulang na binata ang makabili ng sariling farm pero pagdating kay Iñigo ay ginawa niya itong posible. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho bilang isang mahusay na aktor at singer ay nagawa ni Iñigo na makabili ng properties. Sobrang proud naman ang kanyang ama na si Piolo Pascual sa sobrang daming achievements na nakamit ng anak sa edad na 23.

Credit: @inigopascual Instagram

Kung ang goal ng ibang artista ay makabili ng bagong bahay o hindi kaya ng bagong sasakyan ay para kay Iñigo naman ay gusto niyang magkaroon ng sariling farm. Sa katunayan, Nobyembre noong nakaraang taon nang sa wakas ay natupad ang isa sa matagal na niyang pangarap–ang makabili ng farm.

Sa isang interview ni Iñigo sa Magandang Buhay nito lamang Hulyo 21 ay ibinahagi ng aktor slash singer na nakabili na siya ng farm sa Jala Jala, Rizal.

“Ako kasi, I’ve always loved nature. Sobra akong… parang doon ako kumakalma, doon ko nalilimutan iyong stress, iyong mga problema. Parang hilig ko lang talaga, (noong) bata pa lang ako,” pahayag ni Iñigo.

Credit: @inigopascual Instagram

Nabanggit din ni Iñigo na matagal na rin umano niyang gustong magkaroon ng kabayo at matuto kung paano sumakay sa mga ito. Ipinakilala niya rin ang bago niyang mga kabayo na sina Eva at Clare.

“I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm,” sabi ni Iñigo.

Credit: @inigopascual Instagram

Maliban sa farm at mga kabayo ay bumili rin si Iñigo ng mga baboy at baka na ikinahanga ng mga host sa “Magandang Buhay” at ng mga manonood.

Nang tinanong kung sino ang naging dahilan niya kung bakit siya bumili ng farm ay sinagot ito ni Iñigo na ang kanyang Lolo umano ang tao na iyon.

“Si Lolo talaga. Lolo’s boy kasi talaga ako, growing up. And ako rin iyong pinakapanganay na apo so I felt like I wanna do something for my family but also for my Lolo.”

Ang Lolo umano ni Iñigo ang naging inspirasyon niya sa lahat. Ang Lolo raw niya ang todo suporta at naghahatid sa kanya sa bawat audition noong hindi pa siya kilala bilang isang sikat na aktor at singer kaya sobrang close niya umano sa pinakamamahal niyang Lolo.

Na mumotivate talaga ang isang tao kapag merong dala-dalang inspirasyon at iyon ang ang kanyang lolo. Hindi maipagkakaila na talagang marami ang namangha sa achievement na ito ni Iñigo.

Ysha Red

error: Content is protected !!