Isabel Oli at John Prats, nagbigay ng update sa ipinapatayo nilang bagong bahay

Nalalapit na ang araw na labis na pinakahinihintay ng couple na si Isabel Oli at John Prats para sa kanilang pamilya dahil sa pinakabago nilang update, ibinahagi nilang malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang bahay!
Credit: @isabeloliprats Instagram
Parehong nasa showbiz, talagang ito ang naging tulay at ang naging dahilan kung bakit nagkatagpo ang landas ni Isabel Oli at John Prats kaya naman nang official nilang ibinalita sa publiko ang kanilang relationship hanggang ikinasal at nagkaroon ng mga anak, isa talaga sila sa mga pamilyang sinusubaybayan ng nakararami.
Ngayon na sila’y parents na sa tatlo nilang mga anak na sina Lilly Feather, Daniel Freedom at Lilla Forest, walang ibang hangad si Isabel at John kung hindi ay mabigyan ang mga ito ng magandang buhay at bahay kaya talagang pinagsikapan ng couple na ipatayo ang kanilang “dream house”.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Matatandaan noong taong 2020 nang unang inanunsyo ng mag-asawa na magpapatayo sila ng bagong bahay sa pamamagitan ng isang vlog kung saan ay bumisita si Isabel at John sa bakanteng lote na papatayuan nila ng bahay at sa mahigit dalawang taon, sa wakas ay makikita sa progress na ibinahagi ng dalawa na malapit na talagang matapos ang kanilang “dream house”.
Sa Instagram nito lamang, ibinahagi ng couple ang maikling video kung saan ay ipinasilip nila sa netizens ang kasalukuyang estado ng kanilang ipinapagawang bahay. Makikita naman sa video na iilang furnish at designs pa ang kailangang gawin pero ilang buwan mula ngayon, siguradong makakalipat na sa kanilang “dream house” ang pamilyang Oli-Prats.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa kanilang nalalapit na paglipat sa bagong bahay, hindi na makapaghintay si Isabel na makabuo ng masasayang memories kasama ang asawa at mga chikiting.
View this post on Instagram
“Building new adventures and memories soon!!! Almost thereπ‘π³,” sulat ng aktres sa kanyang caption.
Mahigit dalawang taon man na naghintay, worth it naman ito para sa couple at para sa kanilang mga anak dahil sa wakas, nagma-materialize na rin ang matagal na nilang pinapangarap na bahay.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Congratulations, team Oli-Prats!