Isabel Oli, hinangaan ng maraming ina dahil sa kanyang nakaka-inspire na fitness journey

Malaking hamon para sa maraming ina na magsimula sa kanilang fitness journey. Hindi naman kasi biro ang responsibilidad na ginagampanan ng mga ina bilang maybahay sa kanilang asawa at nanay sa kanilang mga anak. Kaya minsan hindi talaga maiwasang makaligtaan nila ang kanilang sarili dahil mas inuuna nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Ngunit maraming mga ina pa rin ang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para maisingit ang ‘self-care’ sa kanilang busy schedule. Katulad na lamang ng celebrity mom na si Isabel Oli na mayroon nang tatlong anak sa kanyang mister na si TV actor John Prats.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa kabila nga ng busy schedule ni Isabel ay sinisigurado niyang may panahon siya para mag-exercise. At kamakailan lamang, ibinahagi niya sa kanyang followers ang kanyang fitness journey na sinimulan niya noong nakaraang taon.
Hangad umano niyang makapagbigay ng inspirasyon at hikayatin ang mga kapwa niya mommy na magsimula na rin sa kanilang fitness journey.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa kanyang mahabang Instagram post, isinalaysay ni Isabel na kaya siya nagdesisyon na simulan ang kanyang fitness journey ay dahil sa mga mahal niya sa buhay.
“What prompted me to finally do it? Well, sa akin, I just had to decide to do what’s best for me and for my family. I need to keep reminding myself that I should prioritize my well-being so I could really take care my precious ones at home,” pahayag ni Isabel.
Ibinahagi ni Isabel na nagkaroon siya ng “easy start” sa kanyang fitness journey. Ngunit aminado siyang challenging sa kanya kung paano magpursige. Ayon pa kay Isabel, may mga pagkakataon na tinatamad siyang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Sa mga panahong umanong ito, naging lakas niya ang kanyang asawa, mga kaibigan at fitness coach. Saad pa niya, “I thank God that they’re there to constantly keep me motivated and determined.”
Credit: @isabeloliprats Instagram
Samantala, ibinahagi rin ni Isabel ang isang mahalagang realisasyon na nakuha niya mula sa kanyang fitness journey at ito ay hindi indikasyon ang pagiging payat para masabing fit at healthy ang isang tao.
“Having a thin or lean physique is not a guarantee that one is in good shape. A good sense of well-being happens when we are able to provide care an nourishment for our spiritual, physical, mental, and emotional health. If we only care for one area and neglect the others, imbalance occurs,” ani Isabel.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Isang taon naman mula nang simulan niya ang kanyang fitness journey, iginiit ni Isabel na “[she’s] still have a long way to go” gayunpaman, natutuwa umano siya na nakagawa siya ng “progress”.
Biro pa ni Isabel, “Stretch marks everywhere. I still have loose skin on my tummy area🤪”
Credit: @isabeloliprats Instagram
Matatandaang isinilang ni Isabel ang kanilang ika-3 anak na si Lilla Forest noong Hulyo 7, 2020.