Isabelle Daza, lumabas ang pagiging isang teacher nang turuan ang magpinsan na sila Dahlia at Thylane

Isabelle Daza, lumabas ang pagiging isang teacher nang turuan ang magpinsan na sila Dahlia at Thylane

Karamihan sa atin ay may itinatagong talento at kahusayan na hindi natin inaakalang meron pala tayo ngunit dahil sa pagtahak ng kakaibang landas, unti-unti nating nadidiskubre ang ating passion sa isang bagay.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Dahil sa kanyang hindi matatawarang husay at galing sa larangan ng pag-arte, talagang kilala sa mundo ng showbiz si Isabelle Daza dahilan kung bakit marami na rin siyang natanggap na proyekto. Marami na rin siyang pinagbidahan o kinabilangang pelikula at teleserye katulad na lamang ng “Tubig at Langis” kung saan ay nakasama niya sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, “Resureksyon,” “It Takes a Man and a Woman” at marami pang iba.

Simula nang tinahak ang landas ng motherhood, napagtanto ng aktres na hindi lamang sa acting nananatili ang kanyang passion dahil marami rin siyang nadiskubre na talento katulad na lamang ng kahusayan niya pagdating sa pagtuturo.

Nasa France ngayon ang 33 taong gulang na aktres kasama ang kanyang asawa na si Adrien Semblat at ang kanilang cute na mga anak. Of course, sa lumalaki nilang pamilya, talagang vibrant at palaging lively ang bahay nila ngunit mas nadagdagan pa ito nang napagdesisyunan ni Anne Curtis, Erwan Heusaff, Nico Bolzico, at Solenn Heusaff kasama ang kanilang mga chikiting na sina baby Thylane at Dahlia na bumisita.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Sa kanilang get-together, punong-puno ng katuwaan ang magkakaibigang celebrities. Maliban sa kanila ay abala rin sa paglalaro ang magpinsan na sina baby Dahlia at Thylane kasama ang bago nilang kaibigan na si Baltie, ang anak ni Isabelle at Adrien.

Of course, hindi lamang paglalaro ang tanging ginagawa ng mga chikiting sa buong araw dahil pinaglalaanan din sila ni Isabelle ng oras sa pagtuturo ng mga pambatang kanta.

Sa ibinahaging video ni Anne sa kanyang Instagram story, mapapanood kung paano kaseryoso si Isabelle sa pagtuturo kay Thylane at Dahlia ng kantang “Mr. Sun, Sun, Mr. Golden Sun” habang maigi namang nakikinig ang magpinsan.

“Teacher @isabelledaza in the house,” sulat ni Anne sa kanyang caption.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Muli namang ibinahagi ni Isabelle ang video ng kapwa aktres sa Instagram at may nakakagiliw na sagot sa tanong ng karamihan kung ano raw ba ang kanyang pinagkakaabalahan habang nasa France.

“When people ask if I’m working in France. Me: Fulltime,” pagtutukoy ng aktres sa pagiging guro niya kay Thylane at Dahlia.

Hindi naman napigilan ng netizens na matuwa at maaliw sa cute na moment ng magpinsan habang sumasabay sa pagkanta ni Isabelle.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Hindi talaga tayo binibigong mapasaya ng cute na magpinsan!

Ysha Red

error: Content is protected !!