Isang astig na car-themed party, sorpresa ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kanilang anak na si Seve

Isang astig na car-themed party, sorpresa ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kanilang anak na si Seve

Tunay ngang napakabilis lumipas ng panahon. Parang kailan lamang kasi nang masayang winelcome ng celebrity couple na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ang kanilang unico hijo at ngayon nga ay limang taong gulang na ito.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Kamakailan lamang ay masayang ipinagdiwang ng pamilya nina Toni at Direk Paul ang ika-5 taong kaarawan ng kanilang baby boy na si Seve.

Hindi naman maikakailang pinaghandaan talaga ng celebrity couple ang espesyal na araw sa buhay ng kanilang anak base na rin sa mga larawang ibinahagi ng batikang host sa kanyang Instagram account.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Para sa 5th birthday ng kanilang unico hijo, isang car-themed birthday surprise ang inihanda nina Toni at Direk Paul. Hango ito mula sa sikat na action film series na “Fast and Furious.” Kitang-kita naman sa reaksyon ni Seve na nagustuhan niya ang kanyang birthday celebration ngayong taon.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Sa mga larawan na ipinost ni Toni ay kapansin-pansin ang labis na kaligayahan sa mukha ni Seve. Larawan din ang pagkamangha sa mukha ni Seve pagkatapos nitong tanggalin ang kanyang blindfold at makita ang inihandang birthday surprise para sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ayon naman kay Toni, “favorite day of the year” niya ang araw na isinilang niya ang kanilang baby boy. Dagdag pa niya, kaligayahan ng kanilang pamilya si Seve.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

“Sept 30 is our favorite day of the year! Happy 5th birthday Seve! You are the joy in our family!” saad ni Toni.

“Most special day for the family! We love you Seve!” dagdag naman niya sa isang hiwalay na post.

Present sa selebrasyon ng kaarawan ni Seve ang mga magulang ni Toni. Sa isang larawan, makikita ang mga magulang ni Toni na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Dumalo rin ang mga magulang at kapatid ni Direk Paul.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Hindi naman pinalagpas ng vlogger-actress na si Alex Gonzaga ang birthday party ng kanyang pinakamamahal na pamangkin.

Sa kanyang Instagram, isang sweet message ang isinulat ni Alex para kay Seve.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

“Happy birthday Seve. Thank you for being the family’s source of joy! We love you so much! Tata will always be here for you if u want a cooler mom,” ani Alex.

Credit: @celestinegonzaga Instagram

Matatandaang isinilang ni Toni si Seve o Severiano Elliott noong September 30, 2016 mahigit isang taon mula nang ikasal sila ni Direk Paul. Sa ngayon nga ay ito ang pinagmumulan ng kasiyahan ng celebrity couple.

Ysha Red

error: Content is protected !!