Ito ang mga nangyari sa naging engagement nila Maine Mendoza at Arjo Atayde

Ito ang mga nangyari sa naging engagement nila Maine Mendoza at Arjo Atayde

Sa sandamakmak na taong gumagamit ng salitang “cutie” sa kanilang pagma-manifest, tila’y nangunguna ang couple na si Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil pinatunayan lang naman nila na mabisa talaga ang kanilang powers pagdating sa “Law of Attraction!”

Credit: @arjoatayde Instagram

Simula nang lumabas ang balitang engaged na si Maine Mendoza at Arjo Atayde kagabi, marami talaga sa netizens ang nagkagulo at kinilig dahil isa lang naman sila sa mga couple sa showbiz na talaga namang sinusubaybayan ng karamihan. Maliban sa kilig at sweetness na kanilang hatid, kilala rin sila sa kanilang pangmalakasang “cutie”.

Matatandang nagkasama sa pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” si Maine at Arjo kung saan unang umusbong na may namamagitan nga sa dalawa. Tunay nga sa spekulasyon ng netizens, inamin ni Arjo ang relationship nila ng aktres noong 2019. Sa balitang ito ng couple, naungkat ng netizens ang tweet ni Maine noong taong 2013 na “Arjo cutie ” pero sadyang malakas talaga ang powers ng aktres dahil hindi lang naman sila nanatili sa girlfriend-boyfriend stage dahil ngayon, engaged na sila!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)

Biyernes, Hulyo 29 nang ginalaw na rin ni Arjo ang baso dahil nagkaroon lang naman siya ng engrandeng proposal upang makuha ang matamis na “yes” ni Maine na matagumpay naman niyang na-achieve. Sa latest na update ng couple sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi ni Arjo at Maine ang iilang snaps na talaga namang kinakiligan ng kanilang fans.

Credit: @arjoatayde Instagram

Sa post ni Maine, ibinahagi niya ang sweet at naka-wacky nilang larawan ng fiancé kung saan kapansin-pansin ang suot niyang singsing.

Sa caption ng aktres, mababasa ang, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?! “

Of course, hindi naman kailanman inakala ni Maine na isasakatuparan pala ng tadhana ang kanyang simpleng tweet noon pero dahil sobrang lakas niya sa “law of attraction,” nakatanggap siya ng response mula kay Arjo na nagsasabing “My turn, I will marry you cutie” na siyang caption ng aktor sa kanyang IG post kalakip ng ibinahagi niyang mga nakakakilig at cute na larawan nila ng fiancée.

Credit: @arjoatayde Instagram

Sa magandang balita na ibinahagi ng couple, kaagad naman na nagpahayag ng pagbati ang kapwa nila celebrities at fans. Isa na nga sa mga ito ay ang numero uno na supporter ng aktor na si Ria Atayde na tinawag ang kanyang kapatid bilang “Mister Grand Gestures”.

Tunay nga naman kasi na pinaghandaan talaga ni Arjo ang proposal niya dahil nagmukha lang naman itong fairytale! Congratulations, “cutie” couple!

Ysha Red

error: Content is protected !!