Ito ang naging bonggang birthday gift ni Sharon Cuneta para sa nagdaang kaarawan ni Rosanna Roces

Ito ang naging bonggang birthday gift ni Sharon Cuneta para sa nagdaang kaarawan ni Rosanna Roces

Iba talaga magmahal ang isang Megastar Sharon Cuneta at patunay dito ang testimonya ng kanyang mga kaibigan. Tulad na lamang ng aktres na si Rosanna Roces na saksi sa kabaitan at pagiging mapagbigay na tao ni Sharon.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Kamakailan lamang ay pinasalamatan ni Rosanna si Sharon dahil sa ibinigay nitong regalo para sa kanyang kaarawan. Sa ika-49 na kaarawan kasi ni Rosanna ay nakatanggap siya ng isang mamahaling bag mula kay Sharon.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Napa-‘sana all’ na lamang ang maraming netizens matapos ibahagi ni Rosanna sa kanyang Instagram account na nakatanggap siya ng isang luxury bag mula kay Sharon. Ang bag ay mula sa kilalang luxury brand na Dior. Pina-personalized pa ni Sharon ang bag kung saan ay ipinalagay niya ang pangalan ni Rosanna.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Sa caption ay pinasalamatan ni Rosanna si Sharon para sa ‘advanced birthday gift’ nito sa kanya. Napaaga kasi ang regalo ni Sharon dahil ibinigay niya ito kay Rosanna bago pa dumating ang mismong araw ng kaarawan ni Rosanna.

Ani Rosanna, “Thank You very Much for the advance Bday Gift @reallysharoncuneta ..grabe tulala pa ako hanggang ngayon? Personalized talaga grabe..Love mo talaga ako ?????? may ihah@mpas na ko sa yo @iamtonico …bag mo puro fake !!”

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Nagkakahalaga ng mahigit P150K ang nasabing bag na iniregalo ni Sharon kay Rosanna kaya naman hindi maiwasan ng maraming netizens na mapa-wow dahil sobrang ‘generous’ umano ni Sharon bilang isang kaibigan. Komento ng netizens:

“Wow ang generous talaga ni Ms. Sharon”

Credit: @therealrosannaroces Instagram

“Napakagenerous talaga ni Mega. Meron ding ipinost si Pops Fernandez na ganyang bag, bigay din ni Mega sa kanya. Walang duda, pagmahal ni Mega, mahal niya talaga.”

“wow ang ganda advanced happy birthday po I wish more blessing stay healthy po”

Credit: @therealrosannaroces Instagram

“Wow! Iba talaga kapag c mega ang mag-express ng love & appreciation for friends like u, Ms. O. You are both blessed to have each other…”

Samantala, malapit nang mapanood ang inaabangang comeback movie ni Sharon na “Revirg!nized” kung saan ay magkasama sila ni Rosanna. Ka-love team ni Sharon ang aktor na si Marco Gumabao sa pelikula na nasa ilalim naman ng dereksiyon ni Darryl Yap.

Ysha Red

error: Content is protected !!