Ito ang nakakatawang ginawa ni Chiz Escudero nang mapansing nakatitig ang asawang si Heart Evangelista sa ilang “luxury items”

Ito ang nakakatawang ginawa ni Chiz Escudero nang mapansing nakatitig ang asawang si Heart Evangelista sa ilang “luxury items”

May mga iba’t ibang pinagdadaanan ang mga mag-asawa lalo na’t kalakip ng kanilang wagas na pagmamahalan ay ang discovery nila sa katangian ng isa’t-isa. Ngunit sa maayos na pagma-manage ng kanilang relationship, mas pagtitibayin pa nito ang foundation ng kanilang pag-iibigan.

Credit: @iamhearte Instagram

Isa sa mga couples na talagang sinusubaybayan ng publiko ay ang mag-asawang Heart Evangelista at ang gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero. Katulad ng iba, may mga problema rin na sila at isa na nga sa mga ito ay ang tungkol sa pera lalo na ang “spending habits” umano ng aktres.

“For her to learn discipline and maturity with respect to the money she earns and spends,” saad ni Chiz sa isang interview nila ng asawa kasama si Karen Davila.

Ayon naman sa aktres, malaki umano ang pagkakaiba nila ng asawa pero nilinaw naman niya na sariling pera niya ang ginagamit upang ipambili ng mamahaling mga gamit.

Credit: @iamhearte Instagram

“Napipikon siya sa akin like he’d say, ‘Ilang bibig na ang napakain mo diyan?’ Gaganunin niya ako. Sapatos lang ‘yun. So, siyempre, I’d hide everything, right?” sabi ni Heart.

Dagdag pa niya, “Kasi nga we’re so different, ‘di ba? My parents also, they like to shop. It’s like if you do something na maganda, they’ll reward you with something nice. So, iyon ‘yung language of love ko din.”

Credit: @iamhearte Instagram

Sa paglipas ng panahon, natutunan naman ni Chiz na intindihin si Heart dahil ito umano ang paraan ng aktres na i-reward ang sarili matapos ang hectic na schedule sa trabaho. Kung noo’y pikon kay Heart tuwing nagsho-shopping, game na game na naman ngayon si Chiz pero hangga’t kaya niya, gusto niyang ilayo sa anumang temptation ang asawa.

Sa pinakabagong post ni Heart sa Instagram, makikita sa ibinahagi niyang video na nasa isang boutique siya kasama si Chiz. Sa kalagitnaan ng pagtititingin ng aktres sa mga “luxury display,” kaagad na tinakpan ni Chiz ang kanyang mga mata.

Credit: @iamhearte Instagram

Labis naman ang kilig at katatawanang naramdaman ng kanilang fans dahil napaka-relatable naman kasi ng moment nilang ito. Normal na para sa isang babae ang magkaroon ng hilig sa mga branded na bagay katulad ni Heart at ang reaction naman ni Chiz ang kadalasang reaksyon ng mga kalalakihan kapag nasa parehong sitwasyon kaya naman hindi napigilan ng netizens na maaliw sa kakyutan ng couple.

“Struggle” man para kay Chiz ang “spending habits” ni Heart noon, labis naman ang paghanga niya para sa asawa dahil nababawi naman niya ang perang ipinapambili dahil sa kasipagan nito sa trabaho.

Ysha Red

error: Content is protected !!