Ito ang P1 million hotel villa kung saan nagdiwang si Ivana Alawi ng kanyang nagdaang kaarawan!

Ito ang P1 million hotel villa kung saan nagdiwang si Ivana Alawi ng kanyang nagdaang kaarawan!

Talagang kalakip na ng pangalan ni Ivana Alawi ang mga salitang ‘bongga’ at ‘engrande’. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na pagdating sa mga birthday celebration ay ginagawa itong extra special ni Ivana. Tulad na lamang noong magdiwang ng kaarawan ang kanyang inang si Fatima Marbella kung saan niregaluhan niya ito ng P1 milyon.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kaya hindi na nakakagulat na bongga din ang naging birthday celebration ni Ivana ngayong taon na ginanap lang naman sa isang P1 million per night hotel villa sa Okada Manila.

Ibinahagi ni Ivana sa kanyang vlog noong December 29 na nagpa-book siya ng tatlong kwarto para sa kanila ng kanyang pamilya sa naturang hotel. Ngunit laking-gulat niya ng pagdating nila sa hotel ay isang staff ang nagsabi sa kanya na in-upgrade ang kanilang mga kwarto. Ang simpleng kwarto nga nila Ivana ay naging isang “grandest villa” ng hotel kung saan may lawak itong 1,400 sqm.

Nalula naman si Ivana sa presyo ng villa kaya naman nangako siyang susulitin at mag-eenjoy siya habang naka-stay sa villa kasama ang kanyang ina, mga kapatid na sina Amira, Hashim at Mona. Kasama rin nina Ivana ang kanyang staff.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Mapapanood din sa vlog na isa sa staff ni Ivana ay binigyan niya ng isang mamahaling cellphone bilang Christmas gift!
Samantala, pagdating pa lamang nila Ivana sa hotel villa ay winelcome kaagad sila ng masasarap na desserts at inumin. Hindi rin pinalagpas ni Ivana na makapag-room tour kung saan isa-isa niyang ipinakita ang amenities ng villa tulad ng malalaking 5 bedrooms nito, gym room, study room, entertainment area, bar area at dining hall. Maging ang spa at sauna area ay ipinasilip din ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Enjoy naman sa pagsi-swimming sina Ivana sa outdoor private pool ng villa. Nagtampisaw at nag-bonding din sina Ivana sa Jacuzzi. Pagpatak naman ng dinner time, iba’t ibang putahe ang inihain kina Ivana ng kanilang personal chef. Habang nakatulog naman sa sobrang sarap si Ivana nang magpa-foot and body massage sila sa loob ng hotel.

Sa huli, masasabi ni Ivana na worth it ang kanilang pananatili sa naturang hotel villa sa kanyang kaarawan.
Itinuturing na isa sa pinakamamahal na YouTuber sa bansa si Ivana na hinirang kamakailan bilang 2021 Top Content Creator sa bansa.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Magmula naman ng simulan ni Ivana ang kanyang vlogging career, ay wala nang palya ang pagbibigay niya ng good vibes sa maraming netizens dahil sa kanyang nakakaaliw na vlog content.

Kung isa ka sa nakapanood ng vlogs ni Ivana, malalaman mong hindi lamang siya minahal ng mga tao dahil sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan kundi dahil din sa kanyang mabuting puso at pagmamalasakit sa kanyang kapwa. Kaya naman hindi nakapagtataka ang pagbuhos ng maraming biyaya sa buhay ni Ivana.

Ysha Red

error: Content is protected !!