Ito ang trabaho ng ilang sikat na celebrities bago sila sumikat at gumawa ng pangalan sa kanilang napiling industriya

Ito ang trabaho ng ilang sikat na celebrities bago sila sumikat at gumawa ng pangalan sa kanilang napiling industriya

Kadalasang hinahangaan ng mga fans at tagasubaybay sa industriya ng showbiz sa mga iniidolo ay ang kanilang kahusayan sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, o hindi naman kaya’y pagho-host sa isang TV show.

May mga sikat na celebrities na kilala ng publiko ngayon na nanggaling sa mahirap na buhay at marami ang pagsubok na napagdaanan bago tuluyang narating ang kasikatan na tinatamasa. Ilan lamang dito ay sila Manny Pacquaio, Richard Gomez, Jak Roberto, Jelai Andres, Carla Abellana, at Michael V.

1. Manny Pacquiao

Credit: @mannypacquiao Instagram

Kilala si Manny Pacquiao sa buong Pilipinas pati na rin sa ibang bansa bilang mahusay na professional boxer at kasalukuyang Senator ng bansa pero bago pa man nakamit ang kasikatan ay iba’t-ibang trabaho ang pinasukan ni Manny.

Nasubukan ni Manny ang pagiging construction worker, sampaguita vendor, panadero, at kung anu-ano pa para lamang makatulong sa pamilya niya sa Saranggani.

2. Richard Gomez

Credit: @richardgomezinstagram Instagram

Bago naging sikat na aktor si Richard Gomez ay nagtrabaho siya bilang service crew sa isang fast food chain. Sa ngayon ay abala si Richard bilang Mayor ng Ormoc, Leyte.

3. Jak Roberto

Credit: @jakroberto Instagram

Mahusay na aktor at modelo si Kapuso star Jak Roberto pero bago pa man niya makamit ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon ay naranasan niyang magpinta ng mga lapida upang kumita ng pera.

4. Jelai Andres

Credit: @jelaiandresofficial Instagram

Bago naging internet sensation si Jelai Andres ay nagtatrabaho umano siya sa Qatar bilang receptionist sa isang real estate company kung saan ay naging secretary at admin officer siya kalaunan.

5. Carla Abellana

Credit: @carlaangeline Instagram

Isa sa mga kilalang artista sa industriya si Carla Abellana dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte at kanyang mala-anghel na mukha. Naikwento ni Carla sa isa sa kanyang mga vlog na nagtrabaho siya noon bilang HR Associate sa isang sikat na real estate company.

6. Michael V.

Credit: @michaelbitoy Instagram

Bago naging comedian, singer, composer, book author, film director, at creative director si Michael V. ay nagde-design umano siya ng mga Christmas at Halloween decors.

Ang mga nasabing celebrities ay iilan lamang sa marami na nagsimula sa simpleng pamumuhay at kalaunan ay nabigyan ng tsansa na makagawa ng pangalan sa showbiz.

Ysha Red

error: Content is protected !!