Ito na ngayon ang buhay ng dating PBB Housemate na si Franzen Fajardo

Tumatak sa mga Pinoy ang programang Pinoy Big Brother at dahil sa kasikatan nito ay marami sa mga housemate na pumasok sa Big Brother House ay pumasok sa showbiz kalaunan. Ilang season na rin ang lumipas at ilan na ding mga artista ang naging produkto ng programang ito.
Credit: Pinoy Big Brother
Isa sa mga hindi malilimutang naging parte ng PBB season 1 ay ang housemate na si Franzen Fajardo. Naging malapit sa puso ng mga manonood si Franzen dahil sa pagiging kwela nito at pagiging emosyonal. Ibinahagi nitong gusto niyang manalo upang maiahon sa kahirapan ang pamilya.
Upang makalimutan ang kalungkutan, idinadaan niya na lamang sa pamamagitan ng pakikipagkulitan sa housemate na si Jason Gainza subalit dahil sa kanyang pagiging pasaway, ito rin ang naging dahilan upang maaga siyang mapalabas sa bahay ni kuya.
Ilang alituntunin sa bahay ni kuya ang sinuway ni Franzen. Sa kabila ng automatic nominations sa kanya, nanatili siya sa bahay dahil sa boto ng mga manonood na sumusuporta sa kanya subalit dahil sa hindi niya pagsunod sa mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng bahay ni Kuya ay tuluyan na siyang pinalabas.
Credit: Jeepney TV YouTube
Dahil sa sunod-sunod na paglabag ni Franzen, pinagdesisyunan na siya ay lumabas na sa bahay ni Kuya. Bagama’t inako ng housemate na si Cassandra Ponti ang kanyang pag-alis ay nagdesisyon pa rin si Kuya na siya’y parusahan at patawan ng force ev!ction na kauna-unahang naganap sa PBB history. Makakaligtas na sana siya sa ev!ction nang muli siyang sumuway nang sabihin niya sa kaibigang si Jason kung ano ang nangyari sa confession room.
Sa kanyang paglabas sa bahay ni Kuya ay nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng ilang proyekto sa industriya ng showbiz. Napabilang siya sa pelikulang “White Lady” at “ D’ Lucky Ones” at ilang programang pangtelebisyon. Kabilang na dito ang programang “Trip na Trip” kung saan siya ay naparangalan ng PMPC Star Awards for TV Best Travel Show Host.
Naging maganda man ang kanyang karera sa showbiz, sa huli ay nagpasya parin siyang iwan ito upang hanapin ang kaligayahan sa ibang larangan.
Ayon sa ulat ng Bandila noong 2018, masaya nanirahan at nagtrabaho ang dating PBB housemate sa Singapore kung saan ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang buy and sell business. Taong 2019 nang bumalik si Franzen sa Pilipinas at nagpakasal muli.
Ngayon ay may pagmamay-ari na salon si Franzen at kanyang asawa at ito ay pinangalanan nilang Bebeloves Salon by Sharina and Kakosa.