Ito na ngayon ang buhay sa labas ng showbiz ng JaBo0m Twins!

Ito na ngayon ang buhay sa labas ng showbiz ng JaBo0m Twins!

Makalipas ang mahigit isang dekada, naaalala n’yo pa ba ang kambal na sumikat noong 2004 na nakilala dahil sa Rejoice shampoo commercial jingle na “Sunod sa Galaw” na sina Jaja (Katrina Gonzales) at Boomboom ( Kristine Gonzales) o mas kilala bilang JaBoom twins.

Credit: Mariakristine Gonzales Esplana Facebook

Mas lalong nakilala ang dalawa nang maghost sila sa dating noontime show ng Kapamilya network na ‘Magandang Tanghali Bayan’ at sumabak sa pag-arte sa afternoon sitcom na ‘Maid in Heaven’.

Panandaliang nagpahinga sa showbiz ang kambal at sa kanilang pagbabalik ay lumipat sa Kapuso network kung saan sila ay gumanap sa QTV-11’s sitcom na ‘Laugh to Laugh’ bilang Lotlot at Letlet. Naging bahagi din sila ng telefantasyang ‘Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas’ noong 2006 at gumanap bilang sina Luntian at Violeta.

Taong 2009, naghiwalay ng landas ang dalawa nang bumalik si Jaja sa kanilang home network upang maging bahagi ng romantic-comedy series na ‘The Wedding’ na pinagbidahan ni Anne Curtis habang si Boomboom ay patuloy na lumabas sa mga talk shows at supporting roles sa mga drama shows ng Kapuso network.

Credit: Bryan Palermo Facebook

Sa paglipas ng panahon, tuluyang tinalikuran ng kambal ang masaya at makulay na mundo ng showbiz. Sa kasalukuyan ay pareho na silang lumagay sa tahimik at may kani-kanya nang pamilya.

Ikinasal si Jaja noong 2014 kay Juan Carlos Cristi Bernabe kung saan ang kanyang Matron of Honor ay walang iba kundi ang kanyang kakambal na si Boomboom.

Credit: Maria Katrina G. Bernabe Facebook

Sa ngayon ay mayroon nang dalawang anak sina Jaja at Carlos at makikita sa kanilang social media accounts ang kanilang mga out-of-the-country trips.

Si Boomboom naman ang maybahay ng Parañaque City Councilor na si Juvan Esplana at ngayo’y mayroon na silang tatlong anak. Mahilig magpathemed birthday party ang mag-asawa na lubos namang ineenjoy ng kanilang mga anak.

Hindi naman lubos na nawala sa mata ng publiko si Boomboom na aktibo sa mga political activities ng kanyang asawa bilang public servant.

Credit: Juan Carlos Cristi Bernabe Facebook

Abala man ang kambal sa kani-kanilang mga buhay ay nagkakaroon pa rin sila ng pagkakataon na magkasama sa tuwing may mahalagang pagdiriwang ang kanilang pamilya.

Ysha Red

error: Content is protected !!