Ito pala ang isa sa mga naggagandahang anak ni Robin Padilla na si Camille Orosa

Admiration sa iniidolong celebrities ang nararamdaman ng karamihan sa atin at hindi lamang ito natatapos sa pagsusubaybay natin sa mga pelikula at teleseryeng pinagbibidahan nila dahil minsan ay nauuwi rin ito sa matinding kuryosidad at interes tungkol sa kanilang buhay sa likod ng kamera.
Credit: @camiiibella Instagram
Isa si Robin Padilla sa mga mahuhusay na aktor noong dekada ’90 kung saan ay mga aksyong pelikula ang karamihan sa kanyang pinagbibidahan. Maliban dito, nabiyayaan din siya ng malakas na karisma kaya naman talagang kinahuhumalingan siya ng mga kababaihan at kabilang na nga sa mga pusong minsan nang nahulog sa aktor ay ang kapwa niya aktres na si Leah Orosa.
Nagkasama sa pelikulang “Sa Diyos Lang Ako Susuko” si Robin at Leah na inilabas noong taong 1990 at simula noon, naging magaan ang loob nila sa isa’t-isa hanggang nagbunga nga ang kanilang pagmamahalan na siyang nagbigay-buhay sa kanilang anak na si Camille Orosa.
Credit: @camiiibella Instagram
Hindi naman nagtagal, napagdesisyunan ni Robin at Leah na tapusin ang kanilang relasyon. Nais na ilayo ang anak sa spotlight, lumipad patungo sa ibang bansa si Leah kasama si Camille at doon nga pinalaki ang kanilang anak.
Kahit na’y matagal nang hiwalay, hindi naman nawala ang komunikasyon ni Robin at Camille. Sa kabila ng kanilang distance, nanatili naman ang matibay na relasyon ng mag-ama. Sa katunayan, suportado pa nga ng panganay na anak ng aktor ang kanyang buhay pag-ibig.
Nanggaling sa good-looking na mga magulang, talagang kuhang-kuha ni Camille ang kanilang magandang genes kaya naman, talagang nakakalaglag ng panga ang kanyang beauty.
Credit: @camiiibella Instagram
Nasa ibang bansa man naninirahan kasama ang kanyang Mommy Leah at ang mga nakakabatang kapatid sa bago nitong asawa na si Antonio Garcia, hindi naman ito naging hadlang para makilala si Camille ng fans ng kanyang ama dito sa Pilipinas.
Hindi man sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang, nagawa naman ni Camille na mag-shine sa sarili niyang larangan kung saan ay patuloy siya sa pagmamalas ng kanyang husay at galing.
Maliban sa good looks, dedicated din si Camille sa kanyang pag-aaral at noong taong 2019 nang natapos nito ang kanyang Master’s Degree sa course na “Information and Data Science”.
Credit: @camiiibella Instagram
Malayo man sa kanyang ama, hindi naman kailanman nagkalayo ang kanilang puso dahil kahit na’y abala sa mga kaganapan sa kani-kanilang buhay, naglalaan pa rin sila ng oras para magkausap at kumustahin ang isa’t-isa.