Ito pala ang meaning ng naging konsepto sa maternity photoshoot ni Dimples Romana

Ito pala ang meaning ng naging konsepto sa maternity photoshoot ni Dimples Romana

Maliban sa pagiging aesthetic at pleasing ng mga resulta sa ginagawang maternity shoot ni Dimples Romana, patok din sa netizens ang mga makabuluhang mensahe kalakip ng bawat concept na: Air, Fire, Earth, at Water.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ika-19 ng Marso nang unang ibinahagi ni Dimples Romana sa Instagram ang mga larawang kuha sa ginawa niyang photoshoot kung saan ang concept ay Air. Makikita sa mga larawan na nakasuot siya ng kulay dirty white na dress habang nakalugay ang kanyang mahaba at medyo kulot na buhok.

Sa kanyang caption, nagpabatid ng pasasalamat ang aktres dahil sa kabila ng struggles na pinagdaanan nila ng kanyang pamilya noong nakaraang taon, ngayon naman ay tila’y nabigyan sila ng panibagong pag-asa, at kasalukuyan niya ngayong ini-enjoy ang paglanghap ng hangin na tila ba’y isang panaginip.

Sa ikalawang concept naman ng kanyang photoshoot na Fire kung saan ay makikitang nakasuot siya ng pulang dress, inamin ni Dimples na magkahalong takot at excitement ang dulot ng kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak.

Credit: @dimplesromana Instagram

“My third pregnancy signaled so many new beginnings and ends for me as a woman. Scary as FIRE may seem to most of us, just like any pregnancy, it is also quite liberating,” sulat niya sa kanyang caption.

Sa concept naman niyang Earth, suot ni Dimples ang nude jumpsuit habang naka-messy bun naman ang buhok. Sa kanyang caption, sinabi niya na binigyan umano siya ni baby Elio ng sobrang daming realizations. Kabilang na nga dito ay ang kanyang purpose dito sa mundo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa pinakahuling concept ng aktres na Water, talagang inagaw ni Dimples ang atensyon ng kapwa celebrities at netizens dahil talaga naman kasing nakakaagaw ng hininga ang resulta ng kanyang huling photoshoot!

Of course, katulad ng tatlong naunang photoshoot, may makabuluhang mensahe rin ang aktres pero hindi na para sa kanya kung hindi ay para sa mga taong kasalukuyan ngayong nakakaramdam na lunod na lunod na sila sa sobrang dami ng kanilang problema sa buhay.

Credit: @dimplesromana Instagram

“I pray today that whoever is reading this and is feeling the weight of the waves on your shoulder and you feel like giving up, STAY, KEEP FIGHTING , KEEP SWIMMING, we are part water anyway. DANCE with the waves. And as they say, let the waves carry you where the light cannot. I’m with you in prayer 🌊,” saad niya sa caption.

Dahil sa kanyang reflection at makabuluhang mga mensahe kalakip ng bawat concept sa kanyang maternity shoot, mas marami pa ngayon ang bumibilib sa nag-iisang Dimples Romana!

Ysha Red

error: Content is protected !!