Ito pala ang mga mabigat na pinagdaanan ni Gary V na sumubok sa kanyang pananampalataya sa Diyos

May mga tao na minsan nang nawalan ng pag-asa o nanghina ang pananampalataya sa Dios dahil sa hirap ng mga pinagdadaanan. Katulad na lamang ni Gary Valenciano na minsan na ring tinalikuran ang Diyos.
Credit: @garyvalenciano Instagram
Palaging nakikitang nakangiti at masaya habang nasa stage at nagpe-perform, talagang hindi lubos makapaniwala ang fans ni Gary V sa mga problemang pinagdaanan niya sa likod ng kamera.
Namulat si Gary V sa buo at perpektong pamilya ngunit dahil umano sa “financial problems” ay naghiwalay ang kanyang mga magulang kaya talagang halos hindi siya makapaniwala na kinakailangan niyang lumaki nang hindi kumpleto ang kanilang pamilya. Maliban dito, na-diagnose rin siya ng Type 1 Diabetes sa edad na 14 at ang masaklap pa dito ay nasunugan pa sila ng bahay na ibinalita sa kanya ng kanyang ama.
Dahil dito, naging madali para kay Gary V na talikuran ang Panginoon ngunit ang lahat ng ito ay nagbago noong taong 1985 nang nagpunta siya sa bahay ng kanyang sister-in-law kung saan ay nagkaroon siya ng masinsinang usapan sa kanyang bayaw na si Vic.
Credit: @garyvalenciano Instagram
“I have a beautiful boy, a beautiful wife, a good career but there was something missing here,” saad ni Gary V sabay turo sa kanyang dibdib.
Dagdag pa niya, “Together with everything else, I realized I wasn’t a happy man. I was not being authentic to my audience.”
Matapos ang naging usapan nila ni Vic, tinanggap na ni Gary V ng buong-buo ang Panginoon at mula noon, unti-unti umanong nag-transform ang kanyang mga kanta.
Matapos ang ilang taon simula nang bumalik ang kanyang pananalig sa Panginoon, muli na namang sinubok ng panahon si Gary V dahil noong taong 2018, kinailangan niyang sumailalim sa heart bypass surgery at nagkaroon pa ng cancer sa kidney ngunit hindi niya kailanman kinuwestiyon ang paraan ng Panginoon dahil mas naging matatag pa ang faith ni Gary V matapos malagpasan ang lahat ng ito.
Malaki rin ang pasasalamat ni Gary V sa pray.com dahil nagkaroon siya ng opportunidad na maabot ang puso ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapan nila tungkol sa Panginoon.
Ayon kay Gary V, itinadhana umano siyang maging performer upang magbigay inspirasyon para sa mga taong minsan ng nawala sa landas ng buhay at sa pamamagitan ng kanyang music, nais niya na sana’y marami pa siyang makumbinsi na mas kilalanin pa ang Panginoon.