Ito pala ang naging buhay ng kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J

Ito pala ang naging buhay ng kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J

Hays! Tunay nga na mahirap umiwas sa mga babae kapag natural na gwapo. Sa patuloy ngayong pag-angat sa kasikatan ng lookalike ni Jericho Rosales na si Junrey Baug, tila’y hindi naman niya naiiwasan ang sandamakmak niyang admirers. Hindi na naman bago para sa isang artista ang pagkakaroon ng libo-libong tagahanga dahil natural lamang ito sa mundo ng showbiz ngunit para sa instant celebrity na si Junrey Baug o kung tawagin ng karamihan ngayon bilang si “Kuya J,” aminado siyang kasalukuyan pa siyang nag-aadjust sa bagay na ito.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Sino ba kasi ang mag-aakala na ang simpleng pag-viral ng kanyang mga larawan sa Facebook ay magdudulot pala sa kanya ng labis na kasikatan dahil sa pagkakahawig niya sa sikat na aktor na si Jericho Rosales?

Para kay Kuya J, biglaan talagang nagbago ang noo’y simple niyang buhay kaya sa kasikatang tinatamasa niya ngayon, unti-unti pa niyang sinasanay ang sarili sa mga taong lumalapit upang magpa-picture at manghingi ng autograph.

Bagama’t marami naman ngayon ang mga aktor na umaangat sa kasikatan, tila’y wala pa rin ang makaka-outshine sa nag-iisang si Jericho Rosales dahil talaga naman kasing remarkable ang nabuo niyang reputation sa showbiz. Maliban sa kanyang acting skills, kinakikiligan din siya ng mga kababaihan dahil sa kanyang kagwapuhan at charismatic na personality kaya ngayong nadiskubre na ang lookalike ng aktor, marami talaga ngayon ang sumusubaybay at kinikilig kay Kuya J!

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Dahil sa paghahakot ng endorsements ni Kuya J, talagang nasa kanya ang atensyon ng netizens. Sa kanyang pagsikat, marami na talaga ang nakaka-recognize sa kanya sa tuwing nasa isa siyang publikong lugar.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

“Hindi na talaga siya kagaya ng dati. Dati tahimik akong namumuhay pero ngayon, iba na. Hindi ko alam ‘yung nararamdaman ko. Nasisiyahan at nabigla sa daming pagbabago,” pahayag ni Kuya J.

Ngunit sa kabila ng kanyang sandamakmak na admirers, ibinunyag naman ni Kuya J na mayroon ng isang babae ang nagmamay-ari sa kanyang puso at ito ay ang kanyang asawa na si Mary Joy.

Credit: Kapuso Mo Jessica Soho on GMA Public Affairs YouTube

Paano ba ‘yan, girls? Taken na pala si Kuya J ngunit gayunpaman, marami pa rin ang patuloy na sumusuporta at sumusubaybay kay Junrey Baug lalo na’t hindi naman maipagkakaila na dahil sa pagiging sensation niya sa internet, mas mapapalawig pa niya ang kanyang pangalan!

Ysha Red

error: Content is protected !!