Ito pala ang napakagandang dalaga na nagbibigay kulay ngayon sa buhay ng aktor na si Ejay Falcon!

Hindi maikakailang isa ang Kapamilya hunk actor na si Ejay Falcon sa pinakamagaling at pinakagwapong aktor ng kanyang henerasyon.
Credit: @ejaythefalcon Instagram
Sinusubaybayan ng marami ang buhay ni Ejay magmula pa nang pumasok siya sa Pinoy Big Brother house noong 2008. Matatandaan na maraming tao ang napahanga ni Ejay sa loob ng bahay ni Kuya lalo na nang ibahagi niya ang kwento ng kanyang pagpupursige sa buhay kung saan bago siya pumasok sa showbiz ay naging kargador muna siya sa kanyang hometown sa Mindoro.
Pinatunayan naman ni Ejay na may puwang siya sa showbizness matapos siyang maging Big Winner ng PBB at sumalang sa pag-arte kung saan marami siyang napahanga na mga manonood dahil sa kanyang galing.
Ilan lang sa mga matagumpay na teleserye na pinagbidahan ni Ejay ay “Katorse”, “Pasion De Amor”, “Wildflower” at “Ang Probinsyano”.
Credit: @ejaythefalcon Instagram
Maraming puso naman ang nabihag ni Ejay dahil sa kanyang angking kagwapuhan at kakisigan.
Ngunit tila ‘the search is over’ naman para sa aktor nang mabihag ng isang magandang dalaga ang kanyang puso na kinilala bilang si Jana Roxas.
Matagal nang magkasintahan sina Ejay at Jana na unang nagkakilala sa isang house warming party. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang napuntahan pala ni Ejay ay ang house warming party ng bahay ni Jana kung saan nga unang nagtagpo ang kanilang mundo.
Kapansin-pansin naman ang pagiging sweet ng dalawa sa social media kung saan marami nga ang kinikilig sa kanilang mga letrato.
Credit: @ejaythefalcon Instagram
Samantala, marahil pamilyar na ang pangalan ng babaeng nagpapatibok ng puso at nagbibigay kulay ngayon sa buhay ng Kapamilya actor dahil minsan na rin itong napanood sa telebisyon.
Naging dating contestant kasi ang nobya ng aktor sa sikat na Kapuso reality talent search na “StarStruck”.
Makikita naman sa mga larawang ibinabahagi ni Ejay sa kanyang Instagram account na artistahin talaga ang kanyang nobya.
Sa kabila nga ng pagiging simpleng babae ng nobya ng aktor ay agaw-pansin naman ang napakaganda nitong mukha at taglay nitong kaseksihan.
Credit: @ejaythefalcon Instagram
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit nabihag nito ang puso ni Ejay.
Lingid sa kaalaman ng marami, ilang magagandang aktres na rin ang na-link kay Ejay tulad na lamang ng mga sexy actress na sina Yam Concepcion at Ellen Adarna. Ngunit aminado si Ejay na si Jana ang pinakamatagal niyang nakarelasyon.
Kaya nang tanungin si Ejay sa isang panayam kung ano ang sikreto nila ni Jana para tumagal ang kanilang relasyon, sinabi niyang, “Siguro ang sikreto ng relasyon namin kaya tumagal ay pareho naming iniintindi ang isa’t isa. Madami rin kaming mga napapagkasunduan, para kaming match made in heaven. Kasi ano, eh, yung mga kahinaan ko don siya malakas. Siya yung nagre-remind sa akin na dapat ganito, ganyan. Kaya talagang nagsuswak kami.”