Ito pala ang tinahak na landas ng noo’y sikat na sikat na Kapuso actor na si Rainier Castillo pagkatapos niyang lisanin ang showbiz

Ito pala ang tinahak na landas ng noo’y sikat na sikat na Kapuso actor na si Rainier Castillo pagkatapos niyang lisanin ang showbiz

Gaano man kakinang ang kanilang karera bilang isang artista, marami pa rin sa mga showbiz personality ang nagpasyang tumigil sa pag-aartista. Kabilang dito ang dating sikat na sikat na Kapuso actor na si Rainier Castillo.

Credit: @itsrainiercastillo Instagram

Naging daan ang Kapuso reality show na “StarStruck” upang makilala ng madla si Rainier. Siya ay kabilang sa unang season ng StarStruck kung saan itinanghal siya bilang “First Prince” noong 2004. Ilan lamang sa mga kilalang artista na kasabayan ni Rainier noon ay sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi na magpahanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin.

Matatandaan naman na minahal si Rainier ng maraming manonood hindi lamang dahil sa kanyang kagwapuhan at charming smile kundi dahil isa siya sa mga promising actor ng kanyang henerasyon na may taglay na angking husay sa pag-arte.

Ilan sa mga proyektong ginawa ni Rainier ay “Bakekang”, “Mulawin” at “Shake, Rattle & Roll VII”.

Kaya naman hindi lubos akalain ng marami na iiwan ni Rainier ang pag-arte. Ngunit ilang taon na rin ang nakalipas mula nang tumigil sa pag-arte sa mga teleserye at pelikula si Rainier.

Credit: @itsrainiercastillo Instagram

Samantala, maraming tagahanga ni Rainier ang hindi maiwasang usisain ang kanyang naging buhay pagkatapos umalis sa showbiz.

At sa tulong ng social media, updated pa rin ang mga tagahanga ni Rainier sa kanyang buhay ngayon. Iyon nga lang ay limitado na lamang ang impormasyon na malalaman ng publiko tungkol sa buhay ngayon ni Rainier, hindi tulad noong aktibo pa siya sa showbiz.

Gayunpaman, masaya ang maraming humahanga kay Rainier na makita siyang masaya na sa kanyang pribadong buhay ngayon bilang isang ama at asawa.

Credit: @itsrainiercastillo Instagram

Mahigit 17 taon mula nang mapanood ng marami si Rainier sa entablado ng StarStruck ay makikitang may sarili na siyang pamilya ngayon. Isang non-showbiz girl ang napangasawa ni Rainier na kinilalang si Diane Quizon. Kung pupuntahan naman ang Instagram account ni Rainier, makikita ang kanyang mga larawan kasama ang kanilang anak ni Diane na si Stellar Quinn. Matapos lisanin ang showbiz ay nagtayo rin ng kanyang sariling gym business si Rainier kasama ang kanyang mga kaibigan.

Talaga namang kaybilis lumipas ng panahon dahil ang mga maningning na artista noon ay simple na lamang ang buhay ngayon, mga artistang mas pinili ang mas simpleng buhay kasama ang kanilang pamilya kaysa sa kanilang tinatamasang kasikatan bilang isang celebrity.

Credit: @itsrainiercastillo Instagram

Pero sa kabila nito, hindi natin maitatanggi ang katotohanan na kahit wala na sila sa showbiz, ang kanilang galing sa pag-arte ay habambuhay na mananatili sa puso at isipan ng mga tagahangang kanilang napasaya.

Ysha Red

error: Content is protected !!