Ito pala ang unico hijo ng comedian-host na si Willie Revillame

Sa mundo ng showbiz, wala talagang malinaw na boundary ang personal na buhay at buhay sa harap ng kamera dahil natural talaga itong nag-ooverlap hanggang umaabot nga sa kaalaman ng publiko.
Credit: @planetumeboshi Instagram
Sa kasikatang tinatamasa ng nag-iisang Willie Revillame, imposible talaga na hindi siya kilala ng sambayanang Pilipino dahil hindi lang naman umiikot ang kanyang career sa pag-arte o pagho-host dahil nangunguna rin siya sa mundo ng business at sa larangan ng musika bilang isang composer at singer. Maliban dito, isa rin siyang philantropist na handang-handang magbigay ng opportunities sa sandamakmak na dreamers at walang pasubali rin na nagpapaabot ng tulong sa pamamagitan ng kanyang mga programa.
Talagang hindi maipagkakaila na isang “living legend” si Kuya Will! Simula nang pinasok ang showbiz, hindi kailanman nabigo si Willie sa pagpapamalas ng kanyang husay at galing sa larangan ng pag-arte at sa mahabang panahon na pamamalagi niya sa industriya, sino nga ba ang mag-aakala na hindi lamang siya makikilala ng karamihan bilang isang beteranong aktor kung hindi ay isa ring accomplished at successful na businessman at milyonaryo?
Credit: @planetumeboshi Instagram
Kaakibat ng kasikatang tinatamasa ni Willie ay ang pagiging open ng kanyang personal na buhay at ang exposure ng kanyang pamilya sa publiko. Matagal na namang alam ng karamihan na sumunod sa yapak ng beteranong aktor at “Wowowin” host ang panganay niyang anak na si Meryll Soriano at kumakailan lamang nang pormal niyang ipinakilala sa lahat ang dalawa pa niyang babaeng anak na sina Louise Anne at Marimonte ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, may isa pa palang anak si Willie at ito ay ang bunsong anak niya sa dating asawa na si Liz Almoro.
Sa isang episode ng “Wowowin,” ginulat ni Willie ang mga manonood nang ipinakilala niya sa mga ito ang kanyang unico hijo na si Juameee Revillame na ngayon ay isa nang ganap na binata!
Credit: @planetumeboshi Instagram
Of course, hindi naman napigilan ng netizens na ipagkumpara ang mag-ama sa isa’t-isa lalo na’t para kamukha umano ni Juamee ang batang version ng kanyang Daddy Will. Dahil sa kagwapuhang taglay nito, instant crush ito ng mga kababaihan ngayon. Tunay nga na kakaiba ang tinik ng mga Revillame!