Ivana Alawi at kanyang pamilya, mayroon na namang bagong challenge sa isa’t isa

Hindi talaga mawawalan ng good vibes sa bahay ng pamilyang Alawi dahi palagi lang naman silang may baong kasiyahan, maaaring prank o challenge man na talaga namang nakakahakot ng tawa mula sa netizens. Sa buwan ng June, ano na naman ang kaya ang ibibida nilang challenge?
Credit: Ivana Alawi YouTube
Isa lamang ang vlogs ni Ivana Alawi sa mga source na pinagkukuhanan natin ng happiness dahil sa kanilang bawat paandar. Kahit na’y pranks o challenge man, hindi talaga umuurong ang Team Alawi kaya doble ang kasiyahang nabibigay nila sa netizens. Mula kay Mommy Fatima hanggang sa bunsong miyembro ng kanilang pamilya na si Mona Alawi ay talagang game na game ang lahat.
Sa bagong vlog na ibinahagi ni Ivana kumakailan lamang, mapapanood ang kulitan at katuwaan ng pamilyang Alawi sa bago nilang challenge na “Palengke + Cooking Challenge” na pinangunahan ng aktres at ng kanyang kapatid na si Hash Alawi.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa budget na 500 pesos, nagpunta sa palengke si Hash at Ivana upang bumili ng ingredients para sa kanilang lulutuin. Habang namimili, careful at sobrang wais ni Hash kaya 195 pesos lamang ang kanyang kabuuang gastos habang sinuyod naman ni Ivana ang buong palengke at namili ng lahat ng kanyang kakailanganing ingredients hanggang umabot nga ng 479 pesos ang kanyang nagastos.
Kahit na’y kaunti lamang ang biniling ingredients, nagtagumpay naman si Hash sa pagluto ng sinigang ngunit habang nasa kalagitnaan ng ginagawa, panay reklamo at tawa si Mona dahil nagdududa umano siya kung tama ba talaga ang paraan ng kanyang Kuya sa pagluto ng nasabing pagkain.
Credit: Ivana Alawi YouTube
“Feeling ko hindi talaga ganito gumawa ng sinigang,” komento ni Mona. “Bagong way ng Kuya ko sa pagluto ng sinigang. Never seen before. Only here.”
Nang matapos si Hash, oras naman para kay Ivana na bumida sa pagluluto ng afritadang manok sa tulong ng kanyang Mommy Fatima kung saan ay para silang professional sa ginagawa.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa huli, lamang na lamang ang team FatVan o team ni Mommy Fatima at Ivana laban sa Team MoShi pero masaya at proud naman pa rin si Hash dahil ngayon, mas determinado na siyang mas matuto pa sa pagluto ng sinigang.