Ivana Alawi, game na binili lahat ng kayang bitbitin ng kanyang pamilya at mga guest

Bakit nga ba labis na pinakaaabangan ng karamihan ang vlogs ni Ivana Alawi? Fun, bongga, at engrande kasi ang bawat ganap lalong-lalo na ang challenges na pinapagawa ng aktres sa kanyang pamilya at guests.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Simula nang sumikat at nakilala sa mundo ng showbiz si Ivana Alawi, halos hindi na matanggal ng netizens ang atensyon nila sa kanya. Marahil sa kagandahang taglay at kahusayan ng aktres sa larangan ng pag-arte, mas nakilala pa siya ng karamihan at nalamang napakarami pala niyang magagandang qualities nang nagsimula nang mag-vlog. Kaya naman patuloy at mas lalo lamang na dumadami ang followers at subscribers niya.
Maliban sa pagdo-document ni Ivana sa bonding niya kasama ang kanyang Mommy at mga kapatid, kilala rin ang vlogger sa kwela at bongga niyang challenges katulad na lamang ng “I’ll Buy Everything You Can Carry” na siyang challenge niya sa unang vlog ngayong buwan ng April.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa challenge na ito, nais ni Ivana na pasayahin ang kanyang pamilya at staff dahil sa loob ng isang minuto, hinayaan sila ng aktres na maghakot ng kahit ano sa grocery at mall ng kahit anong bagay na gusto nila. Of course, libre niya kaya naman sobrang excited ang lahat!
“For today’s video, mag-eenjoy ang lahat. ‘Yun lang ang masisiguro ko sa inyo dahil ang gagawin natin is, “Buying Everything You Can Carry!” Enjoy ‘tong video na ‘to dahil mapapasaya natin silang lahat so grab all you can in 1 minute,” pahayag ni Ivana sa unang bahagi ng kanyang vlog.
Upang lubos na maunuwaan ng lahat ang challenge, nagkaroon ng demonstration si Ivana dahilan kung bakit mas lalo pa na na-excite ang lahat.
Para kay Mommy Fatima, nag-grocery shopping siya na umabot ng 27, 000 pesos habang sa H&M naman naghakot ng mga damit ang staffs at mga kapatid ni Ivana na sina Mona, Amira at Hash. Of course, hindi magpapahuli ang pamangkin ng vlogger na si Gab ng toys. Maliban sa kanila, may nilibre rin ang vlogger na isang bystander na noo’y nanonood lamang sa kanila.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Para sa challenge na ito, umabot ng P292,000 ang lahat ng binayaran ng aktres. Bagama’t sobrang laki man ng ginastos, sobrang saya naman ni Ivana nang makita ang mga ngiti ng kanyang Mommy, mga kapatid, at staffs.
“Sobrang nag-enjoy ako sa video na ‘to kasi parang ang daming… ‘yung mga happiness nila so I’m so happy. Happy na akong nanonood at nagta-timer,” sabi ng vlogger.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Maliban sa enjoyment ng challenge, napakabongga rin nito. Iba talaga ang isang Ivana Alawi!