Ivana Alawi, hindi naitago ang saya nang ipasilip sa netizens ang kanyang bagong renovate na kusina na kanyang ‘dream kitchen’

Ivana Alawi, hindi naitago ang saya nang ipasilip sa netizens ang kanyang bagong renovate na kusina na kanyang ‘dream kitchen’

Hindi naitago ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang kasiyahan sa naging resulta ng kanyang kitchen renovation kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento sa pagdidisenyo.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Lingid sa kaalaman ng lahat, may itinatagong talento sa interior design si Ivana na kanya naman ipinakita nang siya mismo ang nagdisenyo sa kanyang kusina na ipinagawa niya kamakailan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip nga niya ito sa kanyang vlog na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga.

Tila pangarap ng maraming netizens ang bagong-renovate na kusina ni Ivana na mayroong white and silver themed. Tulad ng makikita sa kanyang vlog, spacious at sobrang malinis tingnan ng kusina ni Ivana dahil sa taglay nitong minimalist design. Gayundin, lahat ng kitchenware, plato, baso at kubyertos ay nakalagay sa mga cabinet at drawer kaya naman neat at organisadong tingnan ang kusina ni Ivana.

Paliwanag ni Ivana, tiniyak umano niyang maraming cabinet at storage space sa kanyang kusina dahil gusto niyang malinis ang lahat at hindi makalat tingnan.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Gusto ko kasi sa kusina is minimalist, yung kaunti lang yung laman. Yung wala ka nakikita, very malinis kaya kung napapansin niyo tadtad siya ng cabinet, gusto ko lahat nakatago, malinis sa mata,” saad ni Ivana.

“Ang dami kong pangluto and everything, so gusto ko talaga maraming mga drawers, maraming cabinets,” dagdag niya.

Ipinagmamalaki din ni Ivana ang high-tech na feature ng kanyang bagong kusina. Ayon kay Ivana, hindi mo na kailangan ng upuan o kailangan mahirapan sa pagkuha ng mga bagay sa cupboard dahil mayroon itong pull-down shelf.

Bukod naman sa kitchen tour, ipinakita rin ni Ivana sa vlog ang kanyang pantry pati na rin ang nasa loob ng kanyang malaking refrigerator.
Hindi maikakailang mahilig si Ivana sa chichirya at isang patunay ang kanyang pantry na puno ng tinatawag niyang ‘comfort food’ na mula pagkabata hanggang ngayon na 24-years old na siya ay paborito pa rin niyang kainin.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Excited din na binuksan ni Ivana ang kanyang double-door refrigerator na bumabagay ang disenyo at kulay sa buong aesthetic ng kanyang kusina. Sa katunayan, nagmumukhang isang malaking cabinet lamang ang refrigerator ni Ivana na punumpuno rin ng mga paborito niyang pagkain.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bilang mahilig nga sa pagluluto, talaga namang tuwang-tuwa at satisfied si Ivana sa kanyang bagong kusina dahil swak lamang ito sa kanyang ‘dream kitchen’.

Giit nga ni Ivana,“Having this dream kitchen is a huge blessing.”

“Yun kasi ang dream ko talaga, magandang kusina kasi dito lagi akong nagluluto, so isa siya sa mga investment ko,” dagdag niya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kaya naman ang maraming netizens ay napa-wow at napa-sana all na lamang sa napakagandang kusina ni Ivana. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 2.5 million ang nakapanood ng vlog ni Ivana.

Ysha Red

error: Content is protected !!