Ivana Alawi, muling namahagi ng relief goods sa mga nangangailangan bilang pasasalamat sa naabot na 13M subscribers sa YouTube

Kumakailan lamang ay umabot ng 13 million ang subscribers ni Ivana sa kanyang YouTube channel na talaga namang ikinagulat at ipinagsasalamat niya.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Dahil sa kasiyahang nadarama ay ipinakita niya ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap nating mga kababayan sa iilang bahagi ng Metro Manila kung saan ay umabot sa 1.3 million ang halagang naggastos.
Ayon sa actress-vlogger ay nakasanayan na raw niyang magkaroon ng charity drive at relief mission sa tuwing may matatanggap siyang blessings sa buhay.
Dahil sa sa kasiyahan na idinulot ng 13 million na subscribers ay personal niyang hinanda ang grocery items at food packs na ipapamigay niya sa mga taong nangangailangan sa napiling mga lugar.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa bawat relief bag ay may inilagay na P1000 cash si Ivana para sa mga kababayan nating wala ng maggastos dahil nawalan ng trabaho simula ng n@gkapandemya.
Ibinahagi niya ang relief mission na isinagawa sa kanyang YouTube channel kung saan ay makikitang mga namamalimos sa kalye, garbage collectors, tricycle drivers, street vendors, at mga matatanda ang binigyan niya ng ayuda.
Credit: Ivana Alawi YouTube
“Ayoko na sanang i-celebrate ng enggrande o gumastos sa celebration kasi mas gusto ko na lang itulong sa mga taong nangangailangan. Kailangan maging praktikal ngayong p@ndemic,” salaysay ni Ivana sa video.
Nagpasalamat rin si Ivana sa mga taong nanonood ng kanyang vlogs at sinabing ang relief mission ay naisakatuparan hindi lamang sa kanya kung hindi dahil sa mga taong ginawa itong posible.
Credit: Ivana Alawi YouTube
“Hindi ako nagyayabang. It’s our own small way of giving back, to celebrate our 13 million subscribers,” dagdag ni Ivana.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Isa sa mga kilala sa industriya ngayon ay ang 24-year old actress-vlogger na si Ivana Alawi. Mula sa nakakahalinang s3xy photos sa kanyang Instagram hanggang sa pagnanakaw ng mga puso ng netizens dahil sa mga nakakatawa at “relatable” contents ng kanyang mga vlogs ay nagsimulang lumaki at naging kilala ng karamihan ang pangalang Ivana Alawi. Sumikat pa sa siya sa industriya ng showbiz at ngayo’y isa ng media superstar.
Noon pa man ay marami ng ginanapang mga proyekto at pelikula si Ivana katulad na lamang ng Sinong May Sala?: Mea Culpa, Araw Gabi, at naging part rin ng FPJ’s Ang Probinsyano cast. Taong 2019 nang gumawa ng sariling YouTube channel si Ivana at nagsimulang mag-upload ng mga videos na hindi niya inaasahang kagigiliwan at susubaybayan ng mga netizens.
Sa pamamagitan ng pag ba-vlog ay mas nakilala ng netizens at iilang followers kung sino talaga si Ivana at kung ano ang pinagkaiba ng Ivana sa TV at sa totoong buhay. Dahil sa mga nakaka-relate moments at iilan ay nakakatawang contents ng kanyang vlog ay mas dumami ang kanyang subscribers sa YouTube.
Bukod doon ay kinahuhumalingan rin ng karamihan ang mga s3xy photos niya sa Instagram kung saan ay proud niyang ipinapakita ang magandang mukha plus magandang hubog na katawan.