Ivana Alawi, niregaluhan ng lupa at bahay ang inang si Fatima at kapatid na si Mona

Ivana Alawi, niregaluhan ng lupa at bahay ang inang si Fatima at kapatid na si Mona

Isang ‘matapobreng’ ginang ang nag-eskandalo sa harap ng bagong bahay ni Kapamilya actress at YouTube star Ivana Alawi.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Trending ang pinakabagong vlog ni Ivana kung saan mapapanood ang pagsugod ng nasabing ginang na nagpakilala sa kanilang ‘Mrs. Hernandez’.

Dumating itong ginang habang nagba-vlog si Ivana kasama ang kanyang inang si Fatima at mga kapatid na sina Mona, Hashim, at Amira.

Makikitang sinisigaw-sigawan nito si Fatima at iginigiit na siya ang may-ari ng property na pinagtayuan nila ng kanilang bagong bahay.

Credit: Ivana Alawi YouTube

May kasama pang abogado ang ginang na nagpakita sa kanila ng mga dokumento ng deed of sale ng nasabing property. Kini-claim nilang ibinenta sa kanila ni Ivana ang lupa apat na taon na ang nakalipas at makikita nga sa bitbit nilang dokumento na pumirma si Ivana sa deed of sale.

Depensa naman ni Ivana, hindi niya itinuloy ang pagbebenta ng lupa kay Mrs. Hernandez dahil nang kontakin niya umano ito upang isoli ang binayad nitong pera na 10 porsyento lang ng kabuuang halaga ng lupa ay bigla na lamang umano itong nawala.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ayon naman kay Mrs. Hernandez, binlock siya ni Ivana sa mga socmed account nito at hindi rin nito sinasagot ang kanyang tawag.

Bakas naman ang pag-alma at pagtitimpi sa mukha ni Fatima dahil sa mga pangyayari at pagiging bastos ni Mrs. Hernandez. Bukod pa rito, agaran din silang pinapaalis ng ginang sa kanilang bahay at binigyan lamang sila ng tatlong araw para umalis. Ipinapaiwan din nito ang kanilang mga gamit bilang bayad sa danyos perwisyo na idinulot ni Ivana sa kanya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ilang minuto lamang matapos nilang makipagsagutan kay Mrs. Hernandez ay biglang may ipinabasang papeles si Ivana kay Fatima.

Maya-maya nga ay napalitan ng ngiti at maluha-luhang emosyon ang nanlulumong reaksyon ni Fatima dahil “it’s a prank” lang pala ang lahat at ang pang-aangkin ni Mrs. Hernandez sa kanilang lupa.

Maliban dito, nasorpresa rin si Fatima dahil sa kanya nakapangalan ang kanilang bahay at lupa.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Napahagulgol naman sa labis na saya si Mona nang makita niya ang kanyang pangalan sa titulo ng lupa at bahay.

Samantala, ibinahagi ni Ivana na masayang-masaya dahil natupad ang kanyang pangarap na mabigyan ng bahay at lupa ang kanyang ina.

Ani Ivana, “I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko na mabigyan ang family ko ng sarili nilang bahay na pinaghirapan ko.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Regalo na rin umano niya kay Mona ang kanilang bahay at lupa dahil ito ang nag-motivate sa kanyang pasukin ang pagba-vlog.

“Ang surprise talaga, it’s for Mona and for Mama. Si Mona kasi siya ‘yung tumulong sa akin kung bakit ako nandito sa YouTube. She’s so supportive ever since…Kapag ako nagtratrabaho sa mga shoots ko, sa vlogs, sila lagi kong nagiging inspirasyon na mapatayo itong bahay,” bahagi ni Ivana.

Ysha Red

error: Content is protected !!