Ivana Alawi, sinurpresa ng kanyang pamilya nang tumungtong ito sa ikalawang taong journey niya bilang isang vlogger

Muli ay ipinagdiwang ni Ivana ang milestone na nakamit niya sa kanyang buhay bilang isang YouTube vlogger.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Linggo, August 29 ngayong taon nang nagdiwang si Ivana Alawi ng kanyang ikalawang anibersaryo bilang isang YouTube vlogger. Sa tagumpay na nakamit ng 24 taong gulang na dalaga ay pinaghandaan ng kanyang pamilya ang selebrasyong ito.
Sa vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang Youtube channel ay mapapanood ang lahat ng “behind the scenes” sa matagumpay na selebrasyon sa ikalawang anniversary niya sa vlogging.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa unang bahagi ng vlog ay inamin ng mga kapatid ni Ivana na sina Mona at Hashim na ang selebrasyong gaganapin ay lingid sa kaalaman ng kanilang Ate.
“Kasi si Ate, she always puts effort para sa’min. She always makes us feel special,” sabi ni Mona.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Maliban sa pagkakakilanlan ni Ivana bilang isang sikat na personalidad sa showbiz at vlogger ay kilala rin siya bilang isang mabuting anak at mapagmahal na kapatid. Sa ikalawang anibersaryo ni Ivana bilang isang YouTube vlogger ay talagang pinaghandaan ng kanyang pamilya ang selebrasyong ito para sa kanya.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Ayon kay Mona, napag-usapan na umano nilang magkakapatid kasama ang kanilang Mommy na magfi-film sila sa mismong araw na iyon habang nakasuot ng formal attire pero may iba palang plano ang pamilya ni Ivana para sa kanya.
“Ate, sorry na. Actually, ayaw talaga namin sana mag-video ngayon kasi gusto namin maglaro. Sorry,” sabi ni Mona sa kanyang Ate Ivana nang tinawagan niya ito.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa boses ni Ivana ay talaga namang mahihimigan na nalungkot ito sa biglaang pag-ayaw ng kapatid sa napagplanuhan nila. Talaga namang tinodo ni Mona ang kanyang prank call sa kapatid upang mapapunta ito sa condo kung saan ay naghihintay ang kanilang surpresa para kay Ivana.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Nang dumating si Ivana sa condo ay sinalubong siya ng kanyang pamilya sabay sabing, “Happy 2nd Anniversary!”
Naging emosyonal naman si Ivana nang nalamang prank lamang ang lahat ng sinabi ng mga kapatid. Sa suot nitong yellow na gown ay muli niyang pinabilib ang netizens sa kagandahan at kas3xy-han nito.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa labis na kasiyahan ni Ivana sa supresang hinanda ng kanyang pamilya para sa kanya ay ibinahagi niya sa Instagram ang mga larawang kuha sa matagumpay na selebrasyon.
“HAPPY 2ND YEAR ON YOUTUBE FAM!! 🤍✨🥺,” pahayag ni Ivana sa kanyang caption kalakip ng isang family photo. Sobrang cute naman ng kanyang Mommy at mga kapatid sa suot nilang gray shirt na may disenyong “Lion King” na paborito umano ni Ivana.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa huli ay hindi naiyak si Ivana sa lungkot kung hindi ay dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan.