Iya Villania at Drew Arellano, masayang inanunsyo ang pagbubuntis ni Iya sa kanilang pang-apat na anak

Iya Villania at Drew Arellano, masayang inanunsyo ang pagbubuntis ni Iya sa kanilang pang-apat na anak

Mukhang mananatiling prinsesa sa pamilyang Arellano ang ikatlong anak ni Iya Villania at Drew Arellano na si baby Alana dahil kumakailan lamang nang ibinunyag ni Iya ang gender ng ikaapat nilang baby!

Credit: @iyavillania Instagram

Parehong kilala si Drew at Iya sa mundo ng showbiz kaya naman talagang exposed sa publiko ang kanilang magandang pamilya. Maliban sa kahusayan ng celebrity couple sa kanilang profession, kilala rin sila sa kanilang magagaan na personalidad na tila’y namana naman ng kanilang tatlong anak na sina Primo, Leon, at baby Alana.

Kapag hindi abala sa kanilang trabaho, masayang pinagmamasdan ni Iya at Drew ang kanilang mga anak kapag naglalaro hanggang sa na-realize nila na gusto nila ng mas malaking pamilya.

Credit: Life with the Arellanos YouTube

Lunes, January 3 nang masayang binahagi ni Iya ang balita sa TV show nila ni Camille Prats at Kim Atienza sa “Mars Pa More” kung saan ay kinumpirma niyang magiging Ate na umano ang unica hija nila ng asawang si Drew.

Labis naman ang kasiyahan ng kanilang Ninong na si Kuya Kim at nagpahayag ng kanyang pagbati sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

Credit: Life with the Arellanos YouTube

“CONGRATS to my inaanaks @iyavillania and @drewarellano on baby no 4! You two are blessed!” sulat ni Kuya Kim sa kanyang caption.

Hindi naman dito nagtatapos ang pagbabahagi ni Iya sa pinakabagong blessing na natanggap ng pamilya nila dahil ibinalita rin ito sa 24 Oras kung saan ay buong kasiyahan niyang ibinunyag ang gender ng ikaapat na anak kasama ang kanyang panganay na si Primo.

Credit: Life with the Arellanos YouTube

“Only boy. It’s a boy,” pagre-reveal ni Primo dahilan kung bakit excited na naghiyawan ang kanyang mga katrabaho sa 24 Oras.

Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ni Iya, ibinahagi niyang si Primo talaga ang unang nakaalam sa kanilang pamilya na isang linggo umano nilang itinago kay Drew sa loob ng isang linggo.

Credit: Life with the Arellanos YouTube

Ngayon na muli na namang madadagdagan ang dalawang lalaking anak nila ni Drew na sina Primo at Leon, talagang mananatiling prinsesa si baby Alana sa pamilyang Arellano!

Hindi naman mapigilan ni Iya na makaramdam ng kasiyahan dahil timing umano ang lahat dahil nagpapatayo na rin sila ng bahay ni Drew kung saan ay talagang sinigurado nila na magkakaroon ito ng malaking playground lalo na’t lumalaki na ngayon ang pamilyang Arellano.

Credit: Life with the Arellanos YouTube

“My priority really is to just give them a change of scene, and a place for them to really move around and have fun,” pahayag ni Iya.

Ngayong may inaasahang bagong miyembro ng kanilang pamilya, hindi na maitago ni Iya ang excitement sa pagdating ng kanilang bagong baby boy!

Congratulations Iya at Drew!

Ysha Red

error: Content is protected !!