Iya Villania, game na game sa pagsayaw isang linggo pagkatapos manganak

Ano ba ang sikreto ni Iya Villania at sobrang flexible pa rin niya bago at matapos manganak? Sa kanyang performance sa Tiktok nito lamang, muli na naman niyang pinabilib ang karamihan dahil ipinamukha lang naman niya na isa siyang power Momshie kahit na’y ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos isilang ang bunsong anak.
Upang ma-ensure ang safety ng baby at Mommy talagang advice ng mga doktor na dapat lamang mag-ingat sa bawat galaw ang isang buntis ngunit tila’y isang rare na case si Iya Villania dahil kahit na’y malapit nang isilang ang kanyang bunsong anak na si Astro Phoenix at kahit na’y ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos dumaan sa labor, hataw kung hataw talaga siya!
Sa Tiktok video na in-upload ni Ashley Rivera kasama sina Camille Prats at Iya Villania, laglag ang panga ng netizens nang natunghayan kung gaano ka-flexible si Iya sa kabila ng katotohanang ilang araw pa lamang ang nakakaraan matapos isilang nito ang bunsong anak nila ng asawang si Drew Arellano.
Sa video, masasabi sa bawat move ni Iya na wala man lang siyang constraints at hindi man lang nakitaan ng hesitance ang “Mars Pa More” host. Sa katunayan, gumigiling at humahataw pa nga siya sa pagsayaw!
Of course, hindi naman normal na makita at matunghayan ang isang babae na kakagaling lamang sa panganganak pero nakakagalaw na ng sobra upang maiwasang mabinat ang sarili ngunit para kay Iya, mukhang napakaflexible talaga ng kanyang katawan dahil nagagawa niya itong posible at wala man lang kahirap-hirap.
“hala teka diba kakapanganak pa lng ni ms iya? or late upload na po ito? hahaha π₯°”
“Josko para talaga syang di nanganak π how to be you po ate Iya’
@petrashley Nagawa din namin finally π€£ sayang nadelete ko yung pagdating ni mars @iyavillania29 huhuhu @camilleprats β¬ The Way I Are Showmusik Dance Mix – Showmusik Sounds
“Superwoman ka talaga Iya! Grabe π³π³π³”
“mare di uso binat kay IYA ahahahahaha”
“Luh grabe si iya π³π³π³”
“Ako na 2weeks hirap na hirap dahil sa tahi ko, tapos si Iya π³ hehehehehehe super mom!!”
“Hoy grabe wala man lang bang maternity leave yan si Mareng Iya! π³”
“huyy! grabe ka na iyaπ₯Ίπ₯°”
Marahil ay marami sa atin ang nag-iisip na superpowers ang nasa likod ng flexibility na ito ni Iya Villania ngunit sa totoo lamang, focus at isa sa kanyang priority ang pagwo-workout at pag-eexercise kaya talagang sobrang dali at easy lamang para sa kanya na maka-recover at makagalaw-galaw kahit na’y ilang araw pa lamang ang dumaan matapos isilang ang baby na si Astro Phoenix.