Iya Villania, ibinahagi ang bonggang progress ng Casa Arellano makaraan ang isang taon matapos ang kanilang groundbreaking ceremony!

Iya Villania, ibinahagi ang bonggang progress ng Casa Arellano makaraan ang isang taon matapos ang kanilang groundbreaking ceremony!

Simula pa man noong magkasintahan pa lamang si Iya Villania at Drew Arellano ay natitiyak na talaga ng kanilang fans na magiging awesome silang parents at napatunayan naman ito ng couple dahil sa napakagandang pamilya na kanilang nabuo na tila’y sumasalamin naman sa ipinapatayo nilang bahay ngayon.

Credit: @iyavillania Instagram

December 4 nang ginulat ni Iya at Drew ang publiko sa kanilang magandang balita na inumpisahan na nila ang pagpapatayo sa Casa Arellano sa Taytay at mukhang nag-set ng reminder si Iya sa makabuluhang araw na ‘to dahil makaraan ang isang taon, muli lang naman siyang nagbigay ng panibagong update sa ipinapatayo nilang bahay.

Nito lamang Linggo, ipinasilip ni Iya ang malaking progress ng Casa Arellano dahil kung noo’y semento at lupa lamang ang makikita sa pinakauna niyang update ay mapapansin naman ngayon ang napakalaking pagbabago nito.

Pagbabahagi ni Iya, malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang bahay at mahihimigan naman sa kanyang boses kung gaano siya ka-excited sa completion ng Casa Arellano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

Ayon kay Iya, “So the little house we’re building here in Taytay is almost finished!”

Kahit na’y patuloy pa rin ang construction ng Casa Arellano ay tapos na ang kanilang garden, tambayan area, at playground na tiyak na magugustuhan ng kanilang makukulit na mga chikiting na sina Primo, Leon, at Alana.

Sa update ni Iya, masasabi lang naman na napaka-perfect ng kanilang napiling lugar dahil situated lang naman ang Casa Arellano sa medyo tuktok na bahagi ng Taytay kung saan ay mapapansin ang gorgeous at relaxing na view.

Credit: @iyavillania Instagram

Mula pa man noong “groundbreaking ceremony” ng pamilyang Villania-Arellano ay marami na talaga sa kanilang kapwa celebrities ang nagpakita ng kanilang suporta sa milestone ng couple at ngayong malapit nang matapos ang Casa Arellano, muling nagpahayag ng suporta at excitement ang karamihan.

“Ayan na!!!” comment ni Carla Abellana.

“Bongga! The kids must be so excited!” pagtutukoy ni Lyn Ching sa playground ng Casa Arellano.

“Nice! Almost done!😊🎉,” sabi ni Jose Sarasola.

Credit: @iyavillania Instagram

“Wow so cool congrats,” saad ni Jay R.

“Im comin ova,” sabi naman ni Denise Laurel.

“Welcome to taytay!!! 🙌🙌🙌,” mainit naman na pagtanggap ni Alex Gonzaga sa pamilyang Villania-Arellano.

Sa loob ng isang taon, sobrang laki talaga ng progress sa Casa Arellano at ngayong malapit na itong matapos, reasonable talaga ang nararamdamang excitement ng buong pamilyang Villania-Arellano.

Ysha Red

error: Content is protected !!