Iza Calzado, mommy-to-be na sa edad na 40!

Tunay nga na papunta pa lang sa exciting part si Iza Calzado dahil sa edad na 40, papasukin na niya ang buhay Momshie!
Credit: @missizacalzado Instagram
Hindi lamang matatawag na simpleng kasiyahan ang nararamdaman natin sa tuwing naisasakatuparan ang ating mga pangarap sa buhay dahil sa magkakahalong emosyon, halos hindi talaga natin ito mapangalanan katulad na lamang ni Iza Calzado na kumakailan lamang ay ibinahagi sa publiko ang magandang balita nang sumapit ang kanyang ika-40 na kaarawan.
Tunay nga naman na bihira lamang na mapagsabay-sabay sa iisang araw ang magkakaiba at magagandang balita pero tila’y isa ang aktres sa masusuwerteng babae sa mundo ngayon dahil hindi lang naman simpleng celebration ng kanyang birthday ang nangyari dahil ipinagdiwang din niya ang kanyang ikalawang dekada sa showbusiness at ibinalita sa publiko ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ng asawang si Ben Wintle! Triple na celebration yarn?
Credit: @missizacalzado Instagram
Sa Instagram post ni Iza nito lamang, ipinahayag niyang sobra siyang nagpapasalamat sa natanggap niyang magkakasabay na blessings dahilan kung bakit sinabi niyang nag-uumpisa pa lamang ang kanyang buhay sa edad na 40!
“They say life begins at 40,” sulat ng aktres sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang “golden hour” na larawan kung saan ay makikita siyang nakahawak sa kanyang baby bump.
Credit: @missizacalzado Instagram
Pagkukuwento pa ni Iza, unexpected umano ang kanyang pagbubuntis at inaming hindi ito kasama sa kanyang plano lalo na’t ibinahagi niyang marami raw siyang malalaking plano sa kanyang career sa showbiz pero nang nalaman niyang pregnant siya sa unang anak nila ni Ben, kaagad umanong napagtanto ng aktres na orihinal na plano ng Panginoon ang pagkakaroon ng couple ng chikiting.
Kahit na’y aabutin pa man ng iilang buwan bago nila ma-meet ng asawa ang kanilang baby, may sweet na mensahe na ang soon-to-be Mommy para sa kanilang chikiting.
Ayon kay Iza, “You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!”
Credit: @missizacalzado Instagram
Dagdag pa ng aktres, “They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is a great miracle. You are my miracle. You are my guiding light.”
Kahit na’y 40 anyos na ngayon, handang-handa naman si Iza na pasukin ang buhay bilang isang Mommy na paniguradong mapagtatagumpayan niya lalo na’t ilang taon din nila itong hiniling ng kanyang asawa.