Jaclyn Jose, bilib na bilib sa simpleng pamumuhay ng anak na si Andi Eigenmann at fiance na si Philmar Alipayo

Natatangi ang aktres na si Andi Eigenmann na tinalikuran ang kasikatan sa showbiz at mas piniling mamuhay ng simple kasama ang kanyang minamahal na si Philmar Alipayo sa Siargao.
Credit: @andieigengirl Instagram
Bagama’t marami ang nabigla at nagtaka sa naging desisyon ni Andi, madali namang naunawaan ng mga fans kung bakit mas pinili ng aktres ang simple at payapang buhay sa isla kaysa sa marangyang buhay sa siyudad dahil madalas na ibinabahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders” ang kanilang simpleng buhay sa isla na kinagigiliwan ng mga netizen.
Credit: @andieigengirl Instagram
Lubos naman ang paghanga ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa kinalalagyan ngayon ng anak. Sa kabila ng simpleng pamumuhay nito sa Siargao ay masaya naman ito kasama ang kanyang pamilya.
Credit: @jaclynjose Instagram
Minsa’y ibinahagi ng beteranang aktres ang kanyang saloobin tungkol sa anak sa kanyang Instagram.
Credit: @jaclynjose Instagram
“Anak hinahangaan kita sa kung meron ka buhay ngayon..napaktapang mo sana ako din..ang ganda ng pag papalaki mo sa mga bata sorry sa lahat pag kukulang ko..binago ko kasi yung word na typo .mali…bago lang phone ko d pako sanay pasensiya na po. Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi,” mensahe ni Jaclyn kay Andi.
Credit: @andieigengirl Instagram
Ang larawan ng proposal ni Philmar kay Andi na naganap habang nagdadalang tao pa ito sa kanilang bunso ay ibinahagi din ni Jaclyn sa Instagram.
Credit: @andieigengirl Instagram
“And then she said yes, and swam away.. I so love the nuances.. the photo. it says a million why I like this guy.. be merry and healthy I will always have your back… madami ako natutunan sayo and I am thankful to have a daughter who can make me bow in all her decision in life.. I love you and admire.. be yourself anak. Swim your dreams.. paghango mo andito ako si Gwen… I admire you in balancing Ellie to be the 1st… I am happy my family is growing…cant wait to meet the baby boy.”
Credit: @jaclynjose Instagram
Hindi nga maitatanggi ang pagiging malapit ni Jaclyn kay Philmar na ibinahagi pa ang close up picture ng manugang sa kanyang Instagram upang batiin ito noong Father’s Day.
Credit: @jaclynjose Instagram
Nagpasalamat naman si Philmar at nagkumento sa post ni Jaclyn na “Thanks Nanay.” Habang nagkumento rin si Andi ng ‘Close up na close pa talaga eh’.