Janella Salvador, inaming minsan na siyang nawalan ng confidence sa sarili nang nadagdagan ng timbang

Maliban sa mindset at priorities na talagang magbabago kapag isa ka ng Mommy, hindi rin napipigilan ang pagbabago ng mukha at katawan.
Credit: @superjanella Instagram
Natural lamang para sa isang Mommy ang makaranas ng pagbabago sa hugis ng mukha o ang pagdagdag ng timbang matapos maisilang ang anak pero sa sitwasyon ni Janella Salvador, bilang isang aktres at bilang Mommy sa unang pagkakataon, hindi napigilan ni Janella ang makaramdam ng insecurities.
Kilala si Janella bilang isang aktres na talagang hinahangaan at tinitingala ng kanyang fans. Sa angking kagandahan, magandang hubog ng katawan, kahusayan sa pag-arte, at talento pagdating sa pagkanta, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga taong sumusuporta sa kanya.
Credit: @superjanella Instagram
Matapos isilang si baby Jude Trevor, inamin ni Janella na nadagdagan ng 40 pounds ang kanyang karaniwang timbang dahilan kung bakit nawalan siya ng kumpyansa sa sarili.
Sa Instagram, ibinahagi ni Janella ang mga bagong larawan at mga larawang kuha matapos isilang si baby Jude Trevor. Sa caption, ikinuwento ng aktres ang totoo niyang damdamin.
“I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do. But in those first few months, I physically did not feel like myself,” pahayag ni Janella.
Sa naramdamang insecurities, kinailangan umano ni Janella na magsuot ng malalaki at maluluwang na damit.
Credit: @superjanella Instagram
“I hid behind big coats, robes and loose clothing. The lack of sleep made me overeat so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight,” pag-amin ng aktres.
Dagdag pa ni Janella, “Of course, gaining weight is totally normal after giving birth… but there comes a time where you want to be healthy and regain your strength.”
Sa labis na nararamdamang insecurities, nabigyan naman siya ng pag-asa ng mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nang nag-offer ito ng “lip0suction” na tinanggihan niya umano noong una pero hindi nagtagal, pumayag din naman si Janella at ipinaubaya ang sarili sa mga eksperto.
Credit: @superjanella Instagram
“Fast forward to the day Dr. @victoria_belo suggested lip0suction— I initially said no. I was afraid. But after many talks and getting assurance from her, I gave in. Best decision ever,” ayon kay Janella.
Sa pagbabalik ni Janella sa dating s3xy na katawan, bumalik na rin umano ang confidence niya sa sarili. Pangako naman ng aktres sa sarili na maliban sa pagiging mabuting Mommy sa anak, hinding-hindi rin daw niya kakalimutang alagaan ang sarili.
Credit: @superjanella Instagram
Ang daan sa masayang pamilya ay ang masayang Mommy!