Jason Abalos at Vickie Rushton, ibinunyag na matagal na silang engaged to be married!

Jason Abalos at Vickie Rushton, ibinunyag na matagal na silang engaged to be married!

Nitong mga nakaraan, marami na tayong naririnig at nasasaksihang mga kuwento ng pagmamahalan na nauwi sa masakit na hiwalayan kaya naman sa pagbunyag ni Jason Abalos at Vickie Rushton sa kanilang sikreto nito lamang, nagsilbi itong relief para sa karamihan dahil sa kabila ng kaliwa’t kanang issues sa buhay ng ibang couple ay pinatunayan ng dalawa na may forever pa talaga!

Credit: @vimrushton Instagram

Hindi na naman lingid pa sa kaalaman ng karamihan na magulo talaga ang buhay sa showbiz. Bagama’t open man sa publiko ang kanilang buhay pag-ibig, hindi naman lahat ng events sa kanilang buhay ay exposed kaya marami talaga sa netizens ang na-shookt sa revelation ng couple na si Jason at beauty queen na si Vickie.

Sa Instagram post ng dalawa, inamin nila na sila’y engaged na. Lingid sa kaalaman ng karamihan, noon pa palang nakaraang taon sa buwan ng September engaged si Vickie at Jason sa isa’t-isa at ngayon lamang ibinahagi ang masayang balita sa fans at kapwa celebrities.

Credit: @vimrushton Instagram

“So, Baba and I have been keeping a little secret… 🤍,” sulat ni Vickie sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan kung saan ay makikita ang kanyang handprint sa buhangin at singsing na nasa palasingsingan nito.

Sa update naman ng aktor sa kanyang Instagram account, pinakilig niya ang fans sa pangako na patutunugin na nila ni Vickie ang kampana ng simbahan.

Credit: @vimrushton Instagram

“Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 😘❤️ 9/1/21 she said “syempre,” saad ni Jason sa kanyang caption kung saan ay makikita silang magkayakap ng fiancee habang ipinapakita naman ni Vickie ang suot niyang singsing.

Credit: @vimrushton Instagram

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang ikinuwento ng aktor ang naging usapan nila ni Vickie na panahon na upang bumuo sila ng pamilya at ngayon na napagdesisyunan na nilang dalhin sa susunod na level ang kanilang relationship matapos ang pagsasama ng higit isang dekada, sa wakas ay maisasakatuparan na rin ng couple ang isa sa kanilang #relationshipgoals.

Ysha Red

error: Content is protected !!