Jayda Avanzado, ‘di lang maganda at mahusay kumanta kundi isa ring honor student!

Ilan sa mga anak ng mga sikat na artista ay may kahanga-hangang talento rin tulad ng kanilang mga magulang. Kabilang rito ang unica hija ng mga sikat na mang-aawit na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda.
Credit: @jayda Instagram
Patuloy na namamayagpag ngayon sa industriya ng musika si Jayda na noong Hunyo 1 ay nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan.
Maaalala rin na noong Hunyo 25, inilabas ni Jayda ang kanyang debut album na pinamagatang “Bahagi.” At isang araw matapos niyang mailabas ang kanyang album, sumabak naman si Jayda sa concert stage para sa kanyang kauna-unahang “major digital concert” na pinamagatang “Jayda in Concert.”
Credit: @jayda Instagram
Hinahangaan din ng maraming tao si Jayda dahil sa kabila ng kanyang hectic schedule bilang isang singer-songwriter at social media influencer, napanatili pa rin niya ang pagiging honor student sa kanilang paaralan.
Maituturing na “beauty with brains and talent” talaga si Jayda dahil maliban sa taglay niyang ganda, isa rin siyang mahusay na mang-aawit at honor student.
Kamakailan lamang ay proud na ibinahagi ni Jayda sa kanyang Instagram account na nagtapos siya bilang first honor ng kanilang klase noong nakaraang taon.
Credit: @jayda Instagram
Ayon kay Jayda, siya ay nasa huling taon ng kanyang senior high school ngayon at hindi maikakaila ang kanyang kaligayahan nang matanggap niya ang kanyang first honor certificate noong Grade 11 siya.
“Currently finishing up on my senior year (4th year) of high school but i’m all smiles, as ya girl’s received her certificate for last school year,” sulat ni Jayda sa kanyang post.
Credit: @jayda Instagram
Proud parents naman sina Jessa at Dingdong sa natamong karangalan ng kanilang nag-iisang anak. Ngunit may paalala si Dingdong para kay Jayda sa gitna ng tinatamasa nitong tagumpay sa buhay.
Ani Dingdong, “Always remain humble and teachable anak. Never forget all those that helped you along the way.”
Dagdag niya, “Needless to say, we are so proud of you.”
Credit: @jayda Instagram
Saad naman ng singer-actress na si Jessa, “Congrats anak! We are so proud of you!!!”
Bukod sa kanyang mga magulang, isa rin ang kapwa mang-aawit ni Jayda na si Zephanie Dimaranan sa mga taong nagpaabot ng kanilang pagbati.