Jean Garcia at anak na si Kotaro, nagpamalas ng kanilang swabeng moves sa kantang “Cuff It” ni Beyonce!

Sa napakarami nating iniidolong mga couple sa industriya ng showbiz, halos hindi na talaga natin sila mapangalanan pero kung ang pag-uusapan ay ang elite na mother-son duo ay tiyak na ang beteranang aktres na si Jean Garcia at ang kanyang anak na si Kotaro kaagad ang pumapasok sa ating isipan dahil maliban sa kanilang visuals, napakanatural din ng kanilang relationship na talaga namang tumatak sa isipan nating lahat.
Credit: @chic2garcia Instagram
Sa napakahabang panahon na pamamayagpag ni Jean Garcia bilang isang mahusay na aktres ay imposible talaga na walang nakakakilala sa kanya. Kahit na’y patuloy na dumadami ang mga artistang umaangat ngayon sa kasikatan, nananatili talaga siyang iconic. Sa katunayan, isa siya sa mga beteranang aktres na tinitingala at ginagawang “role model” ng karamihan dahil sa kabila ng napakaraming adversities sa showbiz ay nagawa niyang manatili sa tuktok ng kanyang career.
Credit: @chic2garcia Instagram
Kahit na’y 53 taong gulang naman ngayon, dalaga-looking at mas lalo lamang na hinahangaan ng fans si Jean dahil sa mahusay niyang pagpapamalas ng kanyang talento sa pag-arte pero hindi lamang pala ito ang kayang gawin ng beteranang aktres dahil kumakailan lamang, sumasabak na rin siya sa pagsasayaw kasama ang kanyang unico hijo na si Kotaro.
View this post on Instagram
Sa latest na video ng aktres sa Tiktok, mapapanood ang entry nila ni Kotaro sa sikat na dance challenge na “Cuff It” kung saan ay ipinamalas nila ang kanilang cool at swabeng moves.
“don’t stop, can’t stop 🫶🏻🤗✌🏻,” sulat ng aktres sa kanyang caption.
Maliban sa kanilang swift na moves sa kanta ni Beyonce na “Cuff It,” hindi rin naiwasan ng netizens na mapuna ang resemblance ng mag-ina sa iilang sikat na mga K-pop personality. Sa suot ni Kotaro na kulay asul na sweatshirt, itim na ruched pants plus bucket hat, napagkamalan siya ng netizens bilang si Jungkook sa sikat na grupong BTS habang nakitaan naman ng matinding pagkakahawig si Jean kay Irene ng Red Velvet lalo na dahil sa kanyang bagets na looks at moves.
Credit: @chic2garcia Instagram
“Ang galing n’yo BTS Jungkook at Redvelvet Irene 😩🥰”
“Grabe naman si Irene sunbaenim 🥺 lodi ko to”
“jungkook and irene collab hahaha”
“Jungkook is that you my gosh 😭”
Credit: @chic2garcia Instagram
“THE IRENENIFICATION OF MS. JEAN GARCIA”
“BTS X RED VELVET COLAB 🔥🔥🔥🔥”
Sa ngayon, umabot na ng 2.7 million ang views at lagpas 200k likes ang mismong video ng mag-ina na si Jean Garcia at Kotaro. Sa perfect na collab ng dalawa, talagang nakailang ulit sa panonood ang netizens.