Jelai Andres, inireveal na ilang beses nagpabalik-balik ER para pakalmahin sa sobrang pag-iyak

Jelai Andres, inireveal na ilang beses nagpabalik-balik ER para pakalmahin sa sobrang pag-iyak

Isa sa malalaking pangalan ngayon sa showbiz bilang vlogger at aktres, tanging taping site at bahay lamang ang araw-araw na pinupuntahan ni Jelai Andres ngunit dahil sa matindi niyang pagdaramdam noong madilim na bahagi ng kanyang buhay, minsan na rin siyang pabalik-pabalik sa hospital.

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube

Talagang kakaiba ang epekto ng pag-ibig, ngunit depende sa taong binibigyan mo ng pagmamahal, either kasiyahan o labis na sakit ang iyong mararamdaman katulad na lamang ni Jelai na minsan nang naging bulag sa pagmamahal niya sa dating asawa na si Jon Gutierrez o kung tawagin ng karamihan bilang si King Badger.

Punong-puno ng kasiyahan at nag-uumapaw na kilig ang unang bahagi ng relasyon ni Jelai at Jon ngunit makalipas ang isang taon ng kanilang pagsasama, nabuking ng Pinay vlogger ang mga panloloko ni Jon sa kanya.

Nang nalaman na may ibang babae si Jon bukod sa kanya, hindi umano nagkaroon ng pagkakataon si Jelai na i-confront ang boyfriend dahil nangibabaw umano ang kanyang anxiety attacks at depression at minsan ay nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang katawan.

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube 

“Wala na akong chance na gano’n kasi na-depress ako ‘nung time na iyon. ‘Dun nag-start. Umiiyak ako tapos dire-diretso na lang maninigas ako tapos nagsasara throat ko. Hindi ako makahinga,” saad ni Jelai.

Dagdag pa niya, “Dadalhin ako sa ER. Lagi ‘yun. Ilang beses ‘yun. Pakakalmahin.”

Dahil sa patuloy niyang anxiety attacks, talagang naging suki si Jelai sa ER ng hospital hanggang dumating sa point na hindi na gumagana ang mga pampakalmang ini-inject sa kanya.

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube

Sa kabila ng masakit na pinagdaanan ni Jelai, sibukan pa rin niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Jon at pinilit na buuin ulit ang kanilang pagmamahalan.

“Marami akong paghihirap na pinagdaanan pero lagi kong nilalaban kasi pilit kong binubuo ‘yung sarili ko. Buuuin ko rin siya while ako naman pala ‘yung nawawasak,” ayon sa aktres.

Dahil sa kanyang masakit na karanasan, hindi maiwasan ng Pinay vlogger na isiping hindi niya deserve ang nararamdaman dahil mabuti naman siyang tao na walang ibang ibinigay kundi puro at buong pagmamahal.

Credit: Toni Gonzaga Studio YouTube

“As in pure. Clean lagi ‘yung love na binibigay ko pero ang hirap na ‘yung love na binibigay mo, iba ‘yung kapalit… pain na dapat hindi mo nararamdaman,” sabi ni Jelai.

Taliwas man sa kanyang ideal na ideya sa pagmamahal, nagawa naman ni Jelai na bitawan si Jon at ang lahat ng sakit na dulot ng kanilang relasyon.

Ngayon na nalagpasan na ang lahat ng paghihirap, halos hindi na mapangalanan ni Jelai ang kasiyahang nararamdaman niya ngayong natutunan na niyang mahalin ang sarili.

Ysha Red

error: Content is protected !!