Jennica Garcia, balik showbiz na at binati ng mga netizen ang pagiging mas blooming ngayon

Jennica Garcia, balik showbiz na at binati ng mga netizen ang pagiging mas blooming ngayon

Makalipas ang walong taon, nagbabalik showbiz ngayon ang aktres na si Jennica Garcia para sa isang bagong drama series ng GMA, ang “Las Hermanas.”

Credit: @jennicauytingco Instagram

Gagampanan ni Jennica ang karakter ni Brenda, ang magiging karibal ni Dorothy na bibigyang-buhay naman ni Yasmien Kurdi. Bukod kay Yasmien, bibida rin sa nasabing teleserye ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez pati na rin sina Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

Kabi-kabilang suporta mula sa mga fans ang natatanggap ni Jennica sa kanyang pagbabalik sa industriya.

“Good luck on your new project. Stay safe,” komento ng isang netizen.

“So happy balik showbiz ka na poh,” dagdag pa ng isang netizen.

Credit: @jennicauytingco Instagram

Hinangaan din ng mga ito ang pagiging matatag ng aktres sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan.

“Magandang theraphy ‘yan to move on. I like your aura now. Much much better,” ani isang netizen.

Kamakailan lang ay napabalita ang hiwalayan nina Jennica at ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Marami mang haka-haka sa dahilan ng kanilang hiwalayan ay nanatiling tahimik ang dalawa at sinabi ng aktres na kailanman ay hindi siya magsasalita ng masama laban sa ama ng kanyang mga anak.

Credit: @jennicauytingco Instagram

“Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life. Our savings was never an issue,” wika ni Jennica.

Matatandaang February 2014 nang magpakasal sina Jennica at Alwyn at nagkaroon ng dalawang anak na babae. Mula noon ay matagal na nanahimik at simpleng namuhay ang pamilya sa labas ng showbiz.

Credit: @jennicauytingco Instagram

Sa kanyang pagigging single mom sa kanilang dalawang anak na sina Athena Mori Uytingco at Alessi Uytingco, kinailangang magpatuloy ni Jennica at maging abala.

Sa kabila ng pagiging busy sa trabaho ng aktres, marami ang nakapansin na blooming at fresh ang aura nito na makikita mula sa kanyang pasilip na “morning look” sa lock-in taping ng “Las Hermanas” na ibinahagi niya sa Instagram.

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” caption ni Jennica sa kanyang Instagram post.

Credit: @jennicauytingco Instagram

Masaya namang makita ng mga netizen na nasa maayos na kalagayan ang aktres lalo na at tila muli itong sinusuyo ng asawang si Alwyn at binigyan pa ng bulaklak na ibinahagi sa Instagram nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!