Jessy Mendiola at Luis Manzano, sinalubong ang 2023 kasama ang kanilang anak na si baby Rosie!

Jessy Mendiola at Luis Manzano, sinalubong ang 2023 kasama ang kanilang anak na si baby Rosie!

Ito na yata ang pinakamasayang pagdiriwang ng couple na si Jessy Mendiola at Luis Manzano sa bagong taon dahil kasama na nila si baby Rosie na siyang bumuo sa kanilang munting pamilya!

Credit: @jessymendiola Instagram

Dahil sa kagandahan at kahusayan ni Jessy Mendiola sa larangan ng pag-arte, nagawa talaga niyang umangat sa kasikatan. Dahil sa iconic niyang pagganap sa karakter ni Sabel Asuncion sa teleseryeng “Sabel” noong 2010, naagaw talaga ng aktres ang atensyon ng mga manonood at mula nga ‘nun ay mas nag-boom pa ang kanyang career sa showbiz.

Kahit na’y parehong sikat at bigating personalities sa Philippine showbiz ang mga magulang ni Luis na si Vilma Santos at Edu Manzano, matagumpay naman siyang nakapagtatag ng sarili niyang reputation bilang isang tanyag na aktor, host at komedyante.

Sa maraming taon na pamamalagi ni Jessy Mendiola at Luis Manzano sa iisang industriya, hindi rin nagtagal nang nakuha nila ang atensyon ng isa’t-isa at kalaunan nga ay isinapubliko ang kanilang magandang relationship hanggang ikinasal nga sila noong February 2021. Makalipas ang isang taon, ibinalita naman ng couple na magkakaroon na sila ng anak at ibinahaging hindi na sila makapaghintay na makita at mahagkan ito.

Credit: @jessymendiola Instagram

Sa excitement na nararamdaman ng couple, labis talaga nilang na-appreciate ang perpektong timing ni baby Rosie dahil ayon sa IG story na ibinahagi ng aktres ngayong araw na “Missing my baby’s kicks in my womb. Almost two weeks postpartum” ay masasabi na December nang ipinanganak niya ang anak ngunit ngayon lamang nila isinapubliko ng asawa.

Sa latest na post ni Jessy sa Instagram, featured sa larawang ibinahagi niya ang cute at maliit na kamay ni baby Rosie kalakip ng isang affectionate na caption na, “I never knew I could love like this. My little Rosie 🌹”.

Credit: @jessymendiola Instagram

Sa isa namang hiwalay na post ni Luis, inilahad niya sa kanyang caption ang buong pangalan ni baby Rosie na “Isabella Rose Tawile Manzano” kalakip ng ibinahagi niyang sweet na larawan kung saan ay makikitang karga-karga niya ang anak.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, Tawile ang totoong surname ni Jessy Mendiola.

Credit: @luismanzano Instagram

Simula nang magkasamang ipinagdidiwang ni Jessy at Luis Manzano ang bawat pasko pati na rin ang pagsalubong ng bagong taon, ito na yata ang pinakamasayang celebration nila dahil doble lang naman ang kanilang pagdiriwang–pasasalamat sa lahat ng blessings at sa pagdating ni baby Rosie sa kanilang mga buhay.

Congratulations, Jessy at Luis!

Ysha Red

error: Content is protected !!