Jessy Mendiola, ipinasilip sa pinakaunang pagkakataon ang mga kaganapan nang ipinanganak ang anak na si Isabella Rose

Kung noon ay updates sa career sa showbiz bilang isang aktres ang madalas na ibinabahagi ni Jessy Mendiola, ngayon naman ay unti-unti na niyang binubuksan sa publiko ang panibagong yugto sa kanyang buhay at ito ay ang pagiging momshie sa anak na si Isabella Rose. Siyempre, simulan natin sa pinakauna at ito ay ang karanasan ng aktres sa panganganak.
Credit: @jessymendiola Instagram
Sa maraming taon na pamamalagi ni Jessy Mendiola sa industriya ng showbiz, hindi na talaga bago para sa kanya ang makatanggap ng kaliwa’t kanang projects at opportunities na mas lalong nagpapaangat sa kanya tungo sa kasikatan. Sa stable niyang career plus sa kanyang experience sa pag-aartista ay naging routine at normal na lamang sa kanya ang bawat pagbabagong nangyayari ngunit tila’y wala namang nakapaghanda sa kanya sa rollercoaster na emosyong handog ng pagbubuntis hanggang sa panganganak.
Sa bagong vlog na ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel, isinapubliko niya ang kanyang struggles at iilang kaganapan noong nagle-labor siya sa ospital na sobrang relatable naman sa kapwa niya momshies, lalong-lalo na para sa mga katulad niyang first-time.
Credit: @jessymendiola Instagram
Sa likod ng kanyang blooming at mala-dyosang face matapos isilang si baby Isabella Rose noong December 2022, hindi pala naging madali para kay Jessy ang panganganak lalo na’t may difficulty sa “cord coil” ng anak na siyang dahilan kung bakit mas nahirapan ito sa paglabas.
“Nandito kami sa hospital kasi si Peanut ay lalabas na. Scheduled CS ako dahil may two cord coil si Peanut and sabi ng OB ko, it’s safer that way kasi siyempre ayaw natin i-risk,” sabi niya sa unang bahagi ng vlog.
Aminado rin ang aktres na extra challenging para sa kanya ang panganganak lalo na’t first time umano niya pero sa pagmamahal na meron siya kay baby Peanut ay ininda talaga niya ang bawat sakit ng katawan.
Sa kabila ng nararamdamang sakit at takot ay nangibabaw naman para kay Jessy ang excitement na makita sa personal si baby Peanut kaya habang dinadala sa neonatal ICU ay pilit talaga niyang isinantabi ang kaba at pinairal ang pagkasabik niyang makita at makalong ang anak.
Sa labas naman ng ICU, makikita naman kung gaano ka-obvious ang magkahalong excitement at kaba na nararamdaman ng kanyang asawa na si Luis Manzano. Bagama’t sobrang sabik na makita si baby Peanut, tagos naman sa kanyang buto ang nararamdamang kaba sa kalusugan ng misis.
Credit: @jessymendiola Instagram
Habang naghihintay, inabala naman ni Luis ang sarili at ibinahagi sa netizens ang realizations niya ngayong magiging parents na sila ni Jessy.
“Kumbaga dito na papasok yung hard work bilang magulang. Realign a lot of things na nga sa buhay,” aniya.
Magkahalo man ang emosyon at overwhelming man para sa couple ang lahat lalo na’t ito ang pinakauna nilang anak, wala naman umano ang makakapantay sa labis na kasiyahang nararamdaman nila sa pagdating ni baby Isabella Rose na siyang bumuo sa kanilang pamilya.