Jillian Ward, pinabilib ang netizens sa kanyang Wonderwoman-Darna costume!

May mga tao talaga na sobrang talented. Maaaring isinilang sila na may kakayahan sa maraming mga bagay o hindi kaya’y nade-develop lamang sa kanilang paglaki pero saan nga ba nabibilang dito ang multi-talented na si Jillian Ward dahil kahit ano man ang kanyang gawin, kayang-kaya niya!
Credit: @jillian Instagram
Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, patuloy si Jillian Ward sa pagpapatunay sa kanyang sarili. Pag-arte, pagmomodelo, at kahit pagkanta ay kayang-kaya niyang gawin kaya naman natural lamang para sa netizens na mahumaling sa batang aktres. Maliban dito, labis din na kinabibiliban ng karamihan lalong-lalo na ng kanyang fans ang kanyang angking kagandahan kaya naman kabilang siya ngayon sa mga artista sa kanyang generation na may magagandang mukha.
Sa katunayan, marami ang nakapapansin at nagsasabi na sa lahat ng mga babaeng kamukha ni Marian Rivera, si Jillian lamang ang natatangi na maaaring tawagin bilang “little Marian”.
Credit: @jillian Instagram
Sa isang interbyu, minsan nang naibahagi ni Jillian na idol niya ang Kapuso aktres na si Marian Rivera kaya naman marami ang nagsasabi na sumusunod ang batang aktres sa footsteps ng kanyang iniidolong aktres.
“Napanood ko na po yung Dyesebel, Darna, Marimar, ‘yung mga nagawa niya na pong characters na naging iconic din po talaga,” pahayag ni Jillian.
Credit: @jillian Instagram
Marahil ay inspired ang 17 taong gulang na aktres kay Marian, naisipan nitong mag-cosplay bilang si Wonderwoman na may halong Darna. Dahil sa ibinahagi niyang mga larawan sa Instagram nito lamang kung saan makikita kung paano siya nag-slay sa suot na costume, hindi talaga napigilan ng kanyang fans na magpaulan ng papuri.
“Bagay na bagay po sayo miss jillian.”
“wonderwoman talaga! gorgeous!!! 💕”
Credit: @jillian Instagram
“GIRL YOU ON FIRE 😍😍😍🔥🔥🔥”
“Ganda grabeeee ❤️🔥🔥”
At dahil gumanap din bilang si Darna ang kanyang iniidolong aktres na si Marian Darna noong 2009, marami rin sa netizens ang nakapansin sa pagkakahawig nila ni Jillian lalo na nang nakasuot ang batang aktres ng Wonderwoman costume at naka-pose sa harap ng kamera katulad ng palaging pose ng Pinay superheroine na si Darna kung saan medyo nakataas ang balikat at nakakuyom ang kamao.
“haayy ganda… bagay na bagay.. kmuka mo pa c marian @marianrivera 😍”
“Nagsscroll ako tas nakita ni mama Yung picture mo sabi niya sino Yan patingin nga, tas ipinakita ko sabi niya sino to? si @marianrivera ? Sabi ko naman si @jillian Yan mah 🤍”
Saan mang anggulo tingnan, talagang nagsusumigaw ang mga larawan ni Jillian Ward ng “Darna!”