Jimmy Santos, ipinasilip kung gaano kahirap ang magtrabaho bilang isang carwash boy!

Jimmy Santos, ipinasilip kung gaano kahirap ang magtrabaho bilang isang carwash boy!

Sa hindi malamang dahilan, gumagaan talaga ang ating trabaho kapag sinasabayan natin ito ng pagkanta. Kahit na’y sobrang dami ng gawain, hindi natin namamalayan na malapit na pala natin itong matapos dahil lamang sobrang invested natin sa pag-awit!

Credit: Jimmy Saints YouTube

Isa si Jimmy Santos sa mga sikat na komedyante sa lokal na industriya ng showbiz. Simula pa noon at hanggang ngayon, hindi talaga siya kailanman nabigo sa paghahatid ng katatawanan sa mga manonood at fans kaya naman kahit na’y marami na ngayong bagong comedians, hindi pa rin malilimutan ang pangalan ng nag-iisang Jimmy Santos.

Unang kita pa lang natin ni Jimmy sa telebisyon, tiyak na masasabi natin na isa siyang masayahin na tao lalo na’t sobrang nakakatuwa ng kanyang mga reaksyon at hindi siya kailanman nauubusan ng jokes pero simula nang bumuo siya ng sariling YouTube channel na “Jimmy Saints,” marami sa atin ang naka-appreciate sa pagkakaroon niya ng mabuti at busilak na puso dahil hindi lang naman purong katatawanan ang hatid niya sa bawat vlog dahil inilalagay din niya ang sarili sa sitwasyon ng normal na mga tao na may simpleng hanapbuhay katulad na lamang nang sinubukan niyang maging barker sa jeep at gumawa ng uling at nagbenta nito.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Sa pinakabago niyang vlog, mapapanood ang pagsabak ng komedyante sa pagca-car wash, isang trabaho na hindi akalain ng karamihan na susubukan ni Jimmy.

Habang nagpapaligo at naglilinis ng sasakyan, kumakanta rin ang komedyante. Sobrang basa naman ng damit dahil sa magkahalong tubig at pawis, talagang patuloy sa pag-eenjoy si Jimmy sa ginagawa.

Credit: Jimmy Saints YouTube

“Dahil ang kasabihan nga sa atin, kapag mahal mo ang trabaho mo, pinagbubutihan mo. Lahat po ng ating ginagawa, kailangan ay maging masaya,” sabi ng komedyante.

Credit: Jimmy Saints YouTube

Nang natapos, abala naman sa pag-iinterbyu si Jimmy sa mga taong nagtatrabaho sa car wash kung saan ay naitanong ng komedyante kung masagana ba ang customers ng nasabing car wash.

Bukod dito, highlight din sa vlog ni Jimmy ang pagpapakita kung paano nga ba ginagawa ng mga employee ang pagca-car wash at kung gaano kahirap ang trabahong ito.

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang appreciation para sa komedyante dahil sa kabila ng kanyang kasikatan, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba.

Ysha Red

error: Content is protected !!