Jinkee Pacquiao, sobrang proud sa pagsungkit ni Manny Pacquiao ng Master’s degree!

Jinkee Pacquiao, sobrang proud sa pagsungkit ni Manny Pacquiao ng Master’s degree!

Sa likod ng matatagumpay na mga lalaki ay isang supportive na babae. Ito mismo ang naglalarawan sa couple na si Jinkee at Manny Pacquiao dahil sa bawat achievement ni Pac Man ay kasama niya ang kanyang asawa na mula pa man noon at hanggang ngayon ay todo na talaga ang suporta at tiwalang ibinibigay.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Sa mundo ng showbiz, si Jinkee at Manny Pacquiao talaga ang numero uno na couple sa listahan ng mga power duo dahil sinisigurado lang naman nilang dalawa na pareho silang included sa bawat achievement at milestone nila sa buhay.

Bago pa man nakabuo ng sariling pangalan at career sa mundo ng boxing si Manny o kung tawagin ng karamihan bilang si Pac Man, nasa kanyang tabi na ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Jinkee Pacquiao. Sa bawat laban ni Manny, si Jinkee talaga ang kanyang cheerleader kaya sadyang mahirap na huwag silang hangaan at gawing inspirasyon.

Bagama’t retired naman ngayon sa boxing, marami pa rin namang mga bagay na pinagkakaabalahan si Manny at isa na nga sa pinagtuunan niya ng pansin ay ang kanyang pag-aaral na isa sa matagal na niyang pangarap na maisakatuparan.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Dahil sa kanyang determinasyon at dedikasyon, nakapagtapos na rin sa kolehiyo si Manny sa kursong BA Political Science (Major in Local Administration) sa unibersidad ng Makati noong taong 2019 at dahil sa layunin niyang i-pursue pa ang kanyang studies, doble talaga ang pagkayod niya na maka-earn ng Master’s degree. Sa katunayan, ibinahagi ni Jinkee kumakailan lamang na matagumpay itong natapos ng asawa at ngayon ay mayroon ng master’s degree in Management (Major in Public Administration) sa Philippine Christian University.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram

“I’m so proud of you @mannypacquiao ,” pahayag ni Jinkee kalakip ng mga larawan nila ni Manny na kuha sa isinagawang graduation ceremony ng PCU.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Kahit noong mga panahon na nagsisimula pa lamang si Manny Pacquiao sa pagbuo sa kanyang career sa larangan ng boxing, todo na talaga ang suportang ibinibigay ni Jinkee sa kanya at kahit na’y sandamakmak naman ang kanyang achievements ngayon sa magkakaibang larangan, nananatili pa rin na si Jinkee ang kanyang “support system” kaya masasabi talagang deserve nilang pareho ang bawat success na dumadating sa kanilang buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!