JM De Guzman, nagbigay ng tour sa kanyang artista van!

Kaakibat ng kasikatang tinatamasa ng naglalakihang mga artista sa industriya ng lokal na showbiz ay ang pagkakaroon ng busy na araw-araw o hindi kaya’y hectic na schedule kaya naimbento talaga ang artista van na hindi lamang isang vehicle na siyang ginagamit nila upang makapunta sa kanilang trabaho dahil nagsisilbi rin itong extension ng kanilang bahay kung saan ay pwede sila makapagpahinga habang nasa kalagitnaan ng trabaho.
Credit: JM De Guzman YouTube
Marami na tayong napapanood na vlogs kung saan ay nagbibigay ng tour ang celebrities sa ipinagmamalaki nilang artista van at kumakailan lamang, ipinasilip na rin ni JM De Guzman ang kanyang van na inspired lang naman sa iniidolo niyang superhero na si Batman!
Credit: JM De Guzman YouTube
Nito lamang buwan ng Hunyo nang nagsimula si JM ng sarili niyang Youtube channel. Of course, bilang isang big star sa showbiz, “most requested” talaga ng kanyang fans na masilip ang artista van ng aktor kaya nito lamang nakaraang linggo, tinupad niya ang hiling ng mga ito at nagbigay nga ng tour sa kanyang Batman-inspired na van.
Credit: JM De Guzman YouTube
Katulad sa pagkakakilanlan ni JM bilang isa sa mga mahuhusay na action stars at sa kanyang astig na personality, tila’y sumasalamin din sa kanyang buong pagkatao ang kanyang artista van. Maliban sa kulay matte black na talagang choice ng aktor dahil sa kanyang intense na pagkahilig kay Batman, ibinida rin ni JM ang telebisyon at playstation na ayon sa kanya ay ang pinaka-effective niyang pampalipas-oras habang naghihintay umano siyang tawagin para sa magiging scene niya.
Credit: JM De Guzman YouTube
“Siyempre, kalaban mo rin sa taping ‘yung inip. Kunwari hindi ka pa tinatawag, kinukunan pa ‘yung mga kasama mo, nag-iiyakan pa sila dun, nagsisigawan… siyempre, ayoko kasing nag-iisip masyado kung anong dapat kong ginagawa sa eksena. Gusto ko nalilibang ako,” pahayag ni JM.
Credit: JM De Guzman YouTube
Sa kisame naman ng artista van ni JM ay ang design na starry night na talaga namang bumagay sa kulay at kabuuan ng van. Maliban nito, may sariling refrigerator din ang aktor sa loob kung saan niya inilagagay ang kanyang drinks at mga pagkain.
Credit: JM De Guzman YouTube
Of course, hindi naman pwede na walang bed sa loob ng artista van lalo na’t kailangan niya ng pahinga dahil hindi naman talaga biro ang pagod sa bawat taping. Bukod sa features na ipinasilip ng aktor, ibinahagi rin niya na may sariling mga upuan sa loob ng kanyang artista van ang kanyang mga kasamahan na palagi niyang kasama sa set.
Credit: JM De Guzman YouTube
Sa likod naman ay ang mga damit at iba pang gamit na kailangan ng aktor sa trabaho. Tunay nga na reflection kay JM De Guzman ang kanyang artista van!