Jodi Sta. Maria, binalikan ang mga pagsubok na pinagdaanan bago marating ang rurok ng kasikatan

Jodi Sta. Maria, binalikan ang mga pagsubok na pinagdaanan bago marating ang rurok ng kasikatan

Isa sa mga de kalibreng aktres ngayon sa Philippine showbiz ay walang iba kundi si Jodi Sta. Maria. Dahil sa kanyang natatanging galing sa pag-arte, kaliwa’t kanang papuri at parangal ang natatanggap ni Jodi bilang isang artista.

Credit: @jodistamaria Instagram

Hindi naman naging madali ang daang tinahak ni Jodi para marating ang tinatamasang tagumpay niya ngayon. Sa panayam sa kanya kamakailan ng reporter-host na si Karen Davila, ibinahagi ni Jodi na bago pasukin ang showbiz, tanging ang nanay lang niya at ang kanyang Lola ang sumuporta sa kanila ng kanyang kapatid.

Bago nag-artista, napagdaanan din umano niyang magbenta ng packed popcorn na nagkakahalaga ng 20 pesos sa kanyang paaralan para may pangbaon siya.

Credit: @jodistamaria Instagram

Binalikan din ni Jodi ang kanyang mga pinagdaanan noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz. Kwento ni Jodi, sa murang edad ay gustung-gusto na niyang mag-perform para sa maraming tao kahit na siya ay isang mahiyaing bata. Hanggang sa napansin umano ng isang talent scout ang kanyang potensyal at inimbitahan siyang mag-audition sa ilang commercials.

Credit: @jodistamaria Instagram

Mula noon, kaliwa’t kanang commercial audition ang kanyang pinuntahan. Inamin ni Jodi na tila hindi para sa kanya ang pagko-commercial matapos niyang hindi matanggap sa mga pinag-auditionan niyang commercials noon.

Ngunit kahit hindi pinalad si Jodi na makuha sa mga pinuntahan niyang commercial audition, nahanap naman niya ang kanyang swerte sa showbiz. Ito ay matapos siyang matanggap bilang bahagi ng batch 7 ng Star Magic noong 1998.

Pero alam n’yo bang P1,500 lang ang talent fee ni Jodi noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista?

Credit: @jodistamaria Instagram

Gaya nga ng ibang artista, nagsimula si Jodi sa maliit na talent fee. Malaki naman ang pasasalamat ni Jodi sa kanyang ina na kahit mag-isa ay naigapang naman sila ng kanyang kuya.

“Kasi nun’ng time na ‘yun, I remember ang pinakaunang talent fee ko is 1,500 pesos,” bahagi niya.

“Before, kapag pupunta ka ng shoot, bitbit mo lahat. Bibigyan ka nila ng requirements. So, kami ni Mama, kung ano lang ang mayroon dito, kasi wala naman kami maraming clothes, eh. Kasi let’s say sumweldo si Mama, ‘Oh ito lang ang budget natin. Oh ito lang ang bibilhin natin. Oh hindi pa sira ang sapatos so hindi kailangan bumili ng bago,'” patuloy ni Jodi.

Sino nga naman ang mag-aakala na ang isang mahiyaing bata noon ay isang tinitingalang aktres na ngayon? Maliban dito, kabilang si Jodi sa hilera ng mga artistang may malaking talent fee sa kasalukuyan at napapanood na rin sa iba’t ibang commercial.

Samantala, nitong nakaraang linggo lamang ay ipinalabas na ang pinagbibidahang drama serye ni Jodi na “The Broken Marriage Vow”, na talaga namang patok na patok sa maraming manonood.

Ysha Red

error: Content is protected !!