Jodi Sta. Maria, nakapagtapos na sa kursong Bachelor of Science in Psychology

Kahit matagumpay ang career ng mga artista ay hindi pa rin maitatangging napakalaking halaga para sa kanila ang makapagtapos ng kolehiyo. Isa rito si Jodi na noo’y pinagsabay ang pag-aaral at pag-aartista. Nag-aral siya ng kursong Medical Biology pero napagdesisyunan niyang tumigil matapos ang isang taon dahil sa biglaang tagumpay ng seryeng “Be Careful With My Heart.”
Credit: @jodistamaria Instagram
Taong 2017 nang bumalik si Jodi sa pag-aaral sa ilalim ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges. Hindi naman naging madali para kay Jodi na pagsabayin ang trabaho sa showbiz at ang pag-aaral pero kinaya niya ang lahat ng pagsubok at nanatiling positib0 ang pananaw sa buhay.
Ngayon lamang Hunyo ay proud na ibinahagi ni Jodi sa Twitter nang nakapasa siya sa kanyang final defense. Sa kabila ng mga gabing inilaan niya, sakripisyo, at ang oras na kanyang inilaan ay talagang nagbunga ng maganda.
“Marching soon!!”
Credit: @jodistamaria Instagram
Ngayon lamang araw nang ibinahagi ni Jodi ang kanyang tagumpay sa Instagram dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Malaki naman ang naging pasasalamat niya sa mga taong sumuporta sa kanya— pamilya, mga guro, at ang kanyang management team. Hindi rin nakalimutan ni Jodi na magpasalamat sa Diyos.
Ayon pa sa aktres ay matagal na niyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo simula pa lamang noong pumasok siya sa showbiz at matapos ang halos isang dekada ay nakamit na nga niya ang pangarap.
“I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college.”
Credit: @jodistamaria Instagram
Nagpaabot din si Jodi ng makabuluhang mensahe para sa mga taong nag-aalinlangang mag-aral at makapagtapos dahil sa kanilang edad.
“Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars,” saad ni Jodi sa ibinahaging graduation picture sa Instagram.
Isa si Jodi Sta. Maria sa mga kinikilalang artista sa industriya ng showbiz. 15 anyos pa lamang si Jodi nang nag-audition siya sa Star Magic at isa sa mga pinakabatang miyembro noong kanyang kapanahunan. Sa murang edad ay sumabak si Jodi sa mundo ng showbiz hanggang sa kalauna’y nadiskubre ang kanyang kahusayan sa pag-arte.
Credit: @jodistamaria Instagram
Dahil sa pamamayagpag ng kanyang career sa industriya ng showbiz ay nakatanggap siya ng mga malalaking proyekto at mas lalong nakilala ng karamihan. Isa na lamang nito ay ang kinahuhumalingang serye ng mga Pilipino noong 2012 na pinamagatang “Be Careful with my Heart” kung saan ay kasama niya si Richard Yap. Dahil sa kanilang umaapaw na chemistry ay epektibo ang kanilang pagpapakilig sa mga manonood.
Bago pa man iyon ay gumanap siya bilang isa sa mga mahahalagang karakter sa original version ng “Pangako Sa’yo” noong 2000 pati na rin sa remake nito noong taong 2015 bilang si Amor Powers. Dahil sa kahusayan sa pag-arte at sa magandang mukha ay talaga namang marami ang humahanga kay Jodi.
Credit: @jodistamaria Instagram
Ikinasal ang aktres kay Panfilo Lacson Jr., na ngayon ay hiwalay na. Mayroon silang anak na si Thirdy na isinilang ni Jodi noong taong 2005. Ang kanyang anak ang naging isa sa kanyang mga inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang karera bilang artista.