Joey Marquez proud sabihing isa siyang ‘good father’; nakahanda na ang last will para sa kanyang 16 na anak

Joey Marquez proud sabihing isa siyang ‘good father’; nakahanda na ang last will para sa kanyang 16 na anak

Para sa aktor na si Joey Marquez, hindi man siya matatawag na isang mabuting asawa, ipinagmamalaki naman niyang sabihing walang sinuman ang makapagsasabing hindi siya isang mabuting ama.

Credit: Ogie Diaz YouTube

“I may not be a good husband, but nobody can tell me that I’m not a good father,” pahayag ni Joey nang makapanayam siya ng beteranong showbiz reporter na si Ogie Diaz kamakailan lamang sa vlog nito.

 

Sa panayam ay masayang nagkwento si Joey tungkol sa kanyang buhay at kung anong klaseng ama siya sa kanyang 16 na anak.

Aminado man na isa siyang babaero, iginiit ni Joey na hindi niya pinagsisihan na marami siyang babaeng minahal lalo na’t dahil sa kanyang nakaraan kaya’t nagkaroon siya ng maraming anak na nagbibigay saya ngayon sa kanyang buhay.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ayon pa kay Joey, gagawin niya ang lahat para sa kanyang mga anak nang hindi nanghihingi ng anumang kapalit.

Ani Joey, “Sabi ko sa kanila, ‘Nandiyan kayo hindi para maging investment ko. Pinag-aral ko kayo para bayaran ‘yung mga ginawa ko.’ Hanggang sa mam@tay ako, hindi ako hihingi ng tulong sa inyo dahil hindi ko kayo pinanganak para maging investment ko.'”

Credit: Ogie Diaz YouTube

Inamin ni Joey na malaking dahilan sa likod ng kanyang pagiging isang mabuting ama ang kanyang ina na mag-isang nagpalaki sa kanilang magkapatid.

“In spite the (fact) na wala ang tatay ko nung lumaki ako, nung mag-aral ako, nung ipinanganak ako, kahit minsan hindi ko narinig na siniraan ng nanay ko ang tatay ko,” ani Joey.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Dagdag niya, “Ayokong maramdaman nila na sa dami nila, wala sila na tatay na mag-alaga sa kanila kasi yun yung naramdaman ko nung bata ako eh.”

Dahil din sa kanyang karanasan kaya kinaibigan ni Joey ang ina ng kanyang mga anak para maging masaya ang mga ito.

“Yun ang naging pattern ko sa mga anak ko…Gagawin ko lahat para maging masaya sila, pati mga nanay nila kinakaibigan ko lahat dahil alam ko kapag may nangyari sa nanay nila masas@ktan sila,” aniya.

Credit: Ogie Diaz YouTube

Iginiit pa ni Joey, “Ayokong magdamdam ‘yung mga anak ko at mamromblema siya sa magulang niya. Kasama na rito ‘yung paggalang ko sa mga nanay na hindi porket hiwalay na kayo, hindi na kayo magkasama, hindi ka na dapat nag-iisip para sa kanila.”

Credit: Ogie Diaz YouTube

Ibinahagi rin ni Joey na kung sasakaling may mangyari sa kanya ay nakahanda na ang kanyang last will kung saan tiniyak niyang ang lahat ng kanyang mga naipon ay pantay na nahati para sa kanyang mga anak.

Ani Joey, “Alam mo kasi ako ‘yung hindi maluho na tao eh, hindi ako mahilig lumabas, hindi ako mahilig bumili ng kung anu-ano. Ang sakin kasi hangga’t maaari, ipon lang ako ng ipon, hindi para sa akin, para kahit papaano may maiwan ako sa mga anak ko.”

Ysha Red

error: Content is protected !!