John Lloyd Cruz, inaming hindi pa siya handa maging isang ama noong ipinanganak ang anak na si Elias Modesto

Hindi nagpaligoy-ligoy si John Lloyd Cruz at inaming hindi pa siya handa maging ama nang dumating ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Kilala bilang sikat na aktor si John Lloyd Cruz sa industriya ng showbiz. Mula pa man noon hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang kahusayan sa pag-arte. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho bilang isang aktor ay marami ang patuloy na humahanga at sumusubaybay sa kanya kaya nang nagpagdesisyunang lumiban sa showbiz at nagkaroon ng apat na taong hiatus ay maraming tao ang labis na naka-miss kay John Lloyd.
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Sa isang interview kasama si Karen Davila noong Hulyo 31, 2021 ay nasagot na sa wakas ni John Lloyd ang matagal na mga tanong ng karamihan. Isa na nga rito ay kung bakit nga ba siya umalis sa showbiz.
“Oo nga naman, bumalik ako sa showbiz pero hindi ako umalis sa paggawa ng sine. Hindi ako umalis sa harap ng kamera kasi kahit naman tumigil ako noon with my usual work in showbiz or in films and TV, nagtuloy pa rin naman ako but much much smaller production,” paliwanang ng aktor.
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Nang tinanong ni Karen ng isang tanong tungkol sa pagiging magulang niya sa anak na si Elias ay diretsuhan naman itong sinagot ni John Lloyd.
“We’re you ready to become a father?”
“Hindi,” kaagad ang nasagot ng aktor.
“Tingin ko, isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na we’re in control.”
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Dagdag pa ni John Lloyd, “We like that idea, eh. ‘Hindi. It’s my plan. Plinlano ko ‘yan.’ It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinlano mo but in reality… especially ngayon, after tatlong taon… iba, eh.”
Ipinaliwanag din ni John Lloyd na hindi napaplano ang ganoong mga bagay kaya napatanong siya, “And it won’t be as humbling… kung ‘talaga naplano mo? Paano mo naplano ang ganoong bagay?'”
“It’s beyond words describing being a father, especially ‘nung lumabas siya. There’s no way mayroong tao na naplano iyong ganun. Ganoon ka-weird. Ganoon ka-radical na bagay. That’s a life! Buhay iyong lumabas because of your responsibility.”
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Inamin din ng aktor na hindi umano siya natakot sa responsibilidad na haharapin niya sa anak pero talagang hindi siya nag-expect na magiging magulang na siya.
Hiwalay naman ngayon kay Ellen ay napagkasunduan naman nila ang pagpapalaki kay Elias.
Nang tinanong ni Karen kung handa ba si John Lloyd na ma-inlove ulit kahit nanggaling man sa pagiging brokenhearted ay matapang na “Oo naman” ang sagot ng aktor.
Kaya naman ay nag-aabang na ang mga taga suporta ni John Lloyd sa susunod na yugto ng kanyang buhay pag-ibig at kung sino ang muling magpapatibok sa puso ng isang John Lloyd Cruz.