Jolina Magdangal, kinatuwaan matapos ipagtahi ng napaka-cute na dress ang alagang ipis ng kanyang anak na si “Ipi”

Jolina Magdangal, kinatuwaan matapos ipagtahi ng napaka-cute na dress ang alagang ipis ng kanyang anak na si “Ipi”

Hindi lamang mga artista ang nagbibigay good vibes ngayon sa maraming netizens sa social media. Maging ang kanilang mga anak kasi ay kabilang na rin sa mga nagpapasaya sa maraming tao. Tulad na lamang ng napaka-cute na anak ni TV host-actress Jolina Magdangal na si Vika na kamakailan ay pinangiti ang marami sa kanyang ka-cute-an!

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Kung ang maraming bata kasi ay mahilig mag-alaga ng aso at pusa, talagang naiiba itong si Vika dahil ipis naman ang kanyang alaga. Sa katunayan, ipinagtahi pa ni Jolina ng damit ang alagang ipis ni Vika na si “Ipi”.

Sa kanyang Instagram, masayang ibinahagi ni Jolina ang ilang litrato ni Vika at ang alaga nitong ipis na nakasuot ng isang cute na cute na pink dress.

Pagkukuwento ni Jolina, buong araw umano siyang kinulit ni Vika na gawan ng damit ang alaga nitong ipis. Lumabas nga ang pagiging mananahi ni Jolina at kahit sumasakit ang kanyang ulo, game niyang itinahi ang suot na pink dress ng alagang ipis ni Vika.

Sa huli, sulit naman umano ang kanyang pagod sa paggawa ng damit ng ipis nang masilayan niya ang aniya ay, “napaka-priceless” na ngiti at kinikilig na reaksyon ng kanyang anak.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Biro pa ni Jolina, ipapa-frame niya ang mga nasabing litrato ni Vika bilang patunay kung gaano niya ito kamahal.

“Anak!!!! Pag malaki ka na, ipapa frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal. Di ko alam pano ko natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw nya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si “IPI”, ayan ang dress (partida may migraine pa ako myan ha). Napaka sakit sa kamay! Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo anak,” caption ni Jolina sa kanyang post.

Inulan naman ng samu’t saring komento ang post ni Jolina. Kabilang sa mga naaliw sa ka-cute-an ng kanyang anak ay ang mga kapwa niya celebrity mom.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Komento ni Cheska Kramer, “Cuuute!”

Saad naman ng co-host ni Jolina sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros-Francisco, “Hahahhhahahahahahabahabba Vika Anayaaaaaa lablab”

Habang nawindang naman si Kyla sa alaga ni Vika. Komento niya, “Gown ba yan mars? Hahahaha! Ganda! Pero bakit naman ipis, Vika? Hahaha”

Samantala, hindi ito ang unang beses na nagbahagi si Jolina tungkol sa alagang ipis ng kanyang anak.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Sa kanyang nakaraang post, ipinasilip naman ni Jolina ang nakakaaliw na litrato ni Vika habang natutulog katabi ang kanyang alagang ipis na may sarili pang kama at unan.

Pero wala naman daw dapat ikabahala ang lahat dahil laruan lamang ang alagang ipis ng kanyang anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!